^

PSN Showbiz

Planong pagpapakasal malabo na, Angelica iniwan sa ere ng doktor na nakabuntis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Successful ang gala night ng indie film na Intoy Syokoy ng Kalye Marino nung nakaraang Sabado ng gabi na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Proud na proud si Boy Abunda kasama ang co-producers niyang sina Boy So at Robert Bernardo dahil sa maganda ang kinalabasan ng pelikula.          

Maganda ang feedback at sa totoo lang may mga nag-iimbita na para sa international film festival sa ibang bansa.

Ang isa raw sa nagpaganda sa pelikula ay maga­galing na performance ng mga artistang involved lalo na sina JM de Guzman, LJ Reyes, Joross Gam­boa, Arnold Reyes, at Kenneth Salva.

Magkakaroon uli ng gala showing sa CCP bukas ng alas-tres ng hapon.

PAK: Sa repeat ng concert ni Sarah Geronimo na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nung kamakalawa ng gabi, nadulas ito sa hagdanan habang bumibirit ng And I Am Telling You. Muntik pa itong maputukan ng pyro sa stage pero tuloy pa rin sa pagkanta ang Pop princess.

Kahit malakas ang ulan at maraming binahang lugar, marami pa rin ang dumagsa sa concert nito kaya siya na nga talaga ang korona bilang concert queen.

BOOM: Pitong buwang buntis na ang bokal ng Laguna na si Angelica Jones at ni-reveal nitong isang doktor sa Asian Hospital at konsehal sa Batangas ang nakabuntis sa kanya.

Dapat ay magpapakasal na raw sila, na nakatakda na ng Jan. 8, 2013 pero mukhang hindi na ito matutuloy dahil nagkakalabuan na ang dalawa.

Ayon kay Angelica, iniwan siya sa ere nitong lalaki dahil nagpapaniwala raw sa mga tsismis sa showbiz.

Pero mahal pa rin niya ang doktor at umaasang babalikan siya para ituloy na ang kasal.

vuukle comment

ANGELICA JONES

ARNOLD REYES

ASIAN HOSPITAL

BOY ABUNDA

BOY SO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

I AM TELLING YOU

INTOY SYOKOY

JOROSS GAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with