^

PSN Showbiz

Diether isasahog kina Piolo at Angelica

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Kasama si Diether Ocampo sa seryeng pagtatambalan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Apoy sa Dagat na sabi, sa August na sisimulan ang taping.

Nauna nang nagtambal sina Piolo at Angelica sa pelikula Every Breath U Take na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan.

Singer na?

Aljur May Major Concert

Magsu-shoot ng TVC ng Talk N’ Text si Aljur Abrenica, kung saan, en­dorsers din ang mag-amang Robin at Kylie Padilla. Hindi namin nai­ta­nong sa nagtsika sa amin tungkol dito kung makakasama ng aktor ang ex at si Robin sa TVC shoot.

Balitang Aljur pa rin, cover siya ng August issue ng FHM, kaya panay-panay ang workout para muling lumabas ang abs, muscles, at kung anu-ano pa ang dapat lumabas.

Balik-soap din siya sa Sana Dalawa ang Puso Ko na pagsasamahan nila nina Rhian Ramos at Kris Bernal sa direction ni Maryo J. delos Reyes. Malapit nang magsimula ang taping nito kung totoong sa August na ang airing.

Maglalagare kung ganun si Aljur sa taping ng Sana Dalawa ang Puso Ko at shooting ng GMA Films entry sa MMFF na Cono Problem. Sa November, may major concert din siya sa Aliw Theater. I-guest kaya nito ang nali-link sa kanya ngayon na si Rachelle Ann Go?

Obvious bang bumabawi si Aljur sa buwang wala siyang ginawang soap at pelikula? Ayan o, sunud-sunod ang projects nito.

Gina at Allan pasok sa Luna Blanca

Papasok sa second generation ng Luna Blanca  sina Gina Alajar at Allan Paule bilang mag-asawang umampon kay Bea Binene (Luna) at gaganap nilang anak si Buboy Villar at Yassi Pressman. Papasok din sina Derrick Mo­nas­terio at Kristoffer Martin bilang kapareha nina Luna at Blanca.

Kung natuloy, kahapon ang first taping day ni Derrick sa Payatas. Siya si Kiko, mahirap at akyat-bahay gang member. Magi­ging friend sila ni Blanca (Barbie Forteza) at tuturuan niya itong magnakaw.

Si Kristoffer ay si Joaquin, heartthrob, mayaman at kapatid ni Divine (Chynna Ortaleza). Siya ang makakapareha ni Bea.

Samantala, nagpahayag ng excitement sina Bea at Barbie na magti-taping na sila. Hindi makapaniwala si Barbie na magiging love team sila ni Derrick, si Bea nama’y nagpasalamat sa chance na magkaroon ng bagong kapareha.

Louise nawala ang takot sa tubig

Hindi makakalimutan ni Louise delos Reyes ang One True Love dahil sa soap, nawala ang takot niya sa malalim na parte ng tubig at natuto pa siyang lumangoy.

May eksenang maglalayag sila ni Alden Richards sa dagat para makatakas sa mga humahabol sa kanila pagkatapos nilang magtanan.

Obviously, hindi pumayag si direk Andoy Ranay na magkaroon ng double sina Alden at Louise, kaya no choice ang dalawa kundi pumalaot. Isa ito sa big scene ng One True Love na mapapanood sa mga susunod na episodes.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIW THEATER

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALJUR MAY MAJOR CONCERT

BEA

LUNA BLANCA

ONE TRUE LOVE

PUSO KO

SANA DALAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with