^

PSN Showbiz

Mas matapang at palaban pa Sharon busy na naman sa pakikipag-away sa twitter

- SEEN SCENE -

Seen : Busy uli si Sharon Cuneta sa pakikipag-away sa Twitter dahil sa kanyang paniwala na ang anak niya na si KC Concepcion ang tinutukoy ng isang blind item tweet.

Scene : Mas matapang at palaban si Sharon sa pakikipagsagutan sa mga Twitter basher dahil gumamit siya ng mga salita na hindi dating naririnig mula sa kanyang bibig.

Seen : Pasok sa Top 2 ng American Idol si Jessica Sanchez.

Eliminated si Joshua Ledet.

Scene : Hindi na masyadong ipinahahalata nina Steven Tyler at Jennifer Lopez na si Jessica Sanchez ang gusto nilang manalo sa American Idol para hindi makakuha ng simpatiya si Philip Philips.

Scene : Ipinagtanggol ni Miriam Quiambao si Congressman Manny Pacquiao sa isyu ng anti-gay remarks ngunit humirit na naman ang dating beauty queen nang sabihin nito na iisa lamang ang Diyos nila ni Pacquiao.

Seen : Hindi nagkatotoo ang news noong nakaraang linggo na live na panonoorin ni Congressman Manny Pacquiao ang American Idol noong Huwebes (Friday morning sa Pilipinas) dahil busy siya sa boxing training niya sa Wild Card Gym.

Scene : Inaabangan ang pahayag ni Annabelle Rama tungkol sa pagkandidato niya bilang house representative ng North Cebu.

Kahapon ay nagparehistro na siya bilang botante sa Cebu.

Seen : Cancer ang ikinamatay sa edad na 63 ni Donna Summer.

Si Donna ang kinikilala na Queen of Disco songs at namatay siya sa Naples. Florida noong May 17.

Scene : May plano ang GMA 7 na ibalik ang Magpakailanman, ang weekly drama anthology ni Mel Tiangco na nagpaalam sa TV noong December 2007.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANNABELLE RAMA

DONNA SUMMER

JENNIFER LOPEZ

JESSICA SANCHEZ

JOSHUA LEDET

MEL TIANGCO

MIRIAM QUIAMBAO

NORTH CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with