^

PSN Showbiz

Ogie at Regine nagpapaka-magulang

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bilib naman ako sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Talagang pinangangatawanan nila ang pagiging nanay at tatay ni Baby Nathan. Masuwerte si Regine dahil may naidadahilang mataba siya kaya hindi pa nababalikan ang kanyang showbiz career.

Pero I’m sure kahit mapayat siya, hindi pa rin niya iiwan ang kanyang anak. Ito talaga ang prayoridad niya ngayon. Mabuti naman dahil sobrang dami ng trabaho ngayon ni Ogie. May ina na tumitingin kay Baby Nate. Imagine n’yo kung pareho silang busy ni Regine, kawawa naman ang anak nila.

Karylle wala ng pait kay Dingdong

Kung hindi pa lumabas sa The Kitchen Musical si Karylle, baka hindi pa siya nagkaroon ng acting nomination. Malaking blessing ang pagkakakuha sa kanya para lumabas sa musical na ito sa Singapore. Lumawak ang kanyang mundo at nahasa pa siya sa trabaho.

Wala ni bahagyang pait na nakikita kay Karylle sa kinahinatnan ng relasyon nila nun ni Dingdong Dantes. She has recovered completely. Totoong may bagong langit at nakita niya ito sa kanyang current love ngayon.  

Jasmine Trias nakalimutan na?!

 Wala pang dapat ipagbunyi dahil nakarating na rin sa hangganang ito nun si Jasmine Trias. Kapag siya ang nakasali sa one-on-one at saka na tayo magbunyi. Matalo man siya at maging runner-up, at least siya ang umabot sa pinakamataas na puwedeng abutin ng isang Fil-Am.

O nakalimutan na ba ninyo si Jasmine Trias? Huwag naman dahil minsan ay naging dangal na rin siya nating mga Pilipino. Siya ’yung AI contestant na palaging may flower on her hair. Tanda n’yo na?

vuukle comment

BABY NATE

DINGDONG DANTES

FIL-AM

JASMINE TRIAS

KARYLLE

OGIE ALCASID

PERO I

REGINE VELASQUEZ

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with