^

PSN Showbiz

Raymart at Claudine kinasuhan na ng grave coercion and physical abuse

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Maganda ang feedback sa bagong dramedy ng GMA 7 na Tweets for my Sweet na nagsimula kamakalawa ng gabi.

Kitang-kitang kumportable si Marian Rivera sa comedy at nakakatawa naman talaga siya lalo na’t ibang pagpapatawa naman ang atake ni Chef Boy Logro.

Sabi ni Marian, gustung-gusto niya talaga ang mag-comedy dahil parang naglalaro lang daw sila sa set lalo na’t kasundo niya ang mga kasama niya sa naturang programa.

PAK: Tweet ni Miriam Quiambao kahapon ng umaga; “It’s a new week... Let’s all move on, shall we? Have a good week everyone!!!”

Sunud-sunod pa rin ang atake kay Miriam mula sa mga kabadingan, kahit humingi na ito ng apology.

Tumatanggi na rin siya sa mga interview para hindi na raw siya mapahamak. Humihingi na lang ang dating beauty queen ng katahimikan at matapos na ang patuloy na pang-aalipusta sa kanya.

BOOM: Nagsampa na ng kasong Grave Coercion at Physical Abuse si Mon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Nag-file ito sa Pasay-RTC kahapon ng umaga.

As of presstime, hinihintay na rin ang pagdating doon ng mag-asawang Raymart at Claudine dahil magsasampa rin daw sila ng kaso laban kay Tulfo.

Galit na galit ngayon ang mga kapatid ni Mon at hinahamon na nga ni Erwin ng one-on-one si Raymart.

Si Raymart naman ay tahimik na lang muna at kahit mga tawag ng mga malalapit niyang kaibigan ay hindi nito sinasagot.

vuukle comment

BOY LOGRO

CLAUDINE BARRETTO

GRAVE COERCION

MARIAN RIVERA

MIRIAM QUIAMBAO

MON TULFO

PHYSICAL ABUSE

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SI RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with