^

PSN Showbiz

Mag-syotang showbiz mag-asawa na ang turingan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Noon pa natsitsismis na nagli-live-in ang showbiz couple na ito pero walang umaamin sa kanila. Bumibisita lang daw sila sa kani-kanilang bahay kung may free time ang bawat isa at ’pag feel nila, ipinagluluto ang isa’t isa. Ito’y kahit minsan nadudulas sila sa interview sa kanila at may nababanggit na mga bagay na ginagawa nang magkasama sa bahay.

Lalo pang naniwala ang press na live-in partner ang dalawa nang madulas ang manager ng isa sa kanila ang tawaging “mag-asawa” ang showbiz couple. Tsikahan lang ’yun ng manager sa ilang press people at may itinanong ang isang reporter tungkol sa dalawa.

“Ewan ko ba sa mag-asawang ’yun,” ang kaswal na sagot ng manager at huli na nang maisip ang kanyang sinabi.

Pareho nang nasa edad ang showbiz couple at matagal na rin ang kanilang relasyon, nagtataka nga ang press kung bakit ayaw pa nilang magpakasal, wala namang kontra sa relasyon nila.

Saka, can afford na silang mag-start ng family.

Gabby hindi pa sure kung kailan ang umpisa Ng show niya sa dos

Natawa kami sa sagot ni Gabby Concepcion kung bakit gusto niyang babae uli ang isilang ng misis niya sa July. Bukod sa maalaga ang mga anak na babae, puwede raw mag-artista ang anak niya. Nasa showbiz nga naman sina KC, Garie, at magsu-showbiz din si Chloie, anak ni Gabby kay Jenny Syquia.

“Pero matutuwa ako ’pag lalaki ang baby namin, mabibigay ko na sa kanya ang dream name ko sa anak na lalaki at ’yun ay Gavin. Kung baby girl uli, kahit anong name, okay lang,” sabi ni Gabby.

Aalis si Gabby sa last week ng June dahil first week ng July ang due date ng asawa, wala siyang maiiwang trabaho dahil sa May 9 ang showing ng The Mommy Returns nila nina Ruffa Gutierrez at Pokwang. Hindi siya sure kung magti-taping na sila ni Iza Calzado para sa soap nilang Kapag Puso’y Sinugatan sa ABS-CBN.

Sarah pinabilib si Ruffa

Natupad na ang dream ni Sarah Lahbati na makagawa ng pelikula dahil kasama siya sa cast ng Boy Pick-Up as the girlfriend of Dennis Trillo na kontrabida ang role. Hindi pa namin natatanong ang aktres kung kontrabida rin ang labas niya sa pelikula ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.

Natutuwa si Sarah da­hil malalaking artista ng GMA 7 ang katrabaho niya ngayon. Kung si Den­nis ang partner sa pelikula, sina Richard Gutierrez at Mark Anthony Fernandez naman ang katrabaho niya sa action-drama series ng aktor na Makapiling Kang Muli. Nobya ni Mark ang role niya sa first part ng series at mai-involve kay Richard later on.

First time palang nakita ni Ruffa Gutierrez si Sarah sa isang event at “sooo gorgeous” ang description nito sa kanya. Humanga pa si Ruffa dahil marunong magsalita ng French ang isa sa mga leading ladies ng kapatid.

Hinihintay din ni Sarah ang chance na maidirek siya sa pelikula ni Maryo J. delos Reyes na malaki ang tiwala sa kanyang kakayahan.

JC may naka-dinner na special girl

Guest si JC Tiuseco sa Kasambahay episode ng Spooky Nights presents this Saturday. Hindi binanggit kung ano ang role ng binata at kung sino ang mga kasama, basta guest siya.

Kasama rin si JC sa bagong soap ng GMA 7 na again, hindi sinabi kung ano, basta malapit na ang storycon.

Kelan naman kaya matutupad ang request ng fans nila ni Maxene Magalona na muli silang pagsamahin sa soap? Malay natin at magkabalikan ang dalawa.

Anyway, birthday ni JC last April 16, wala siyang big celebration, pero may naka-dinner na special girl. Sino kaya ang girlash na ’yun?

vuukle comment

BOY PICK-UP

DENNIS TRILLO

GABBY CONCEPCION

IZA CALZADO

JENNY SYQUIA

KAPAG PUSO

KUNG

MAKAPILING KANG MULI

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with