^

PSN Showbiz

Mowelfund nangangailangan pa rin ng maraming pera para makatulong!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang dami pa ring umaasa sa Mowelfund. Dumalo ako sa selebrasyon ng anibersaryo nito kamakailan lang at nakita ko ‘yung napakaraming tao sa industriya ng pelikula na umaasa sa suporta nito. Marami ang may sakit at namamatay kaya kulang na kulang ang pondo na hawak nito. Hindi naman ito tumitigil sa pamumuno ni Boots Anson Roa, sa pagdaraos ng mga palabas na may layuning makakuha ng karagdagang pondo pero talagang kulang na kulang pa.

Sana meron talagang manguna sa mga malalaking artista natin para maka­gawa pa ng mga fundraising shows. Bawat guild umaasa pa rin sa Mo­welfund. Meron pa bang ibang magbibigay sa kanila ng pag-asa?

Mga bagets sa Walang Tulugan napapansin na

Natutuwa naman ako sa mga kabataang alaga ko sa Walang Tulugan tulad nina Hiro Magalona, TJ Marquez, Ken Chan, at Renz. Lahat sila, may TV series at nakita rin finally ng mga kinauukulan ang talento nila at binigyan sila ng pagkakataon na mailabas ito. Wish ko lang na mas lalo silang magsipag ngayon. Baka kako mag-iba sila at mabawasan ang enthusiasm ngayong nagsisimula na silang makilala.

Ito lamang talaga ang habol ko sa mga kabataang kasama ko sa Walang Tulugan, ang may makakita sa kanilang talent at bigyan sila ng trabaho. Mata­gal-tagal na rin silang ini-expose at panay din ang pagsasanay nila at pagsasailalim sa workshop. Hindi rin naman sila nagpapabaya.

Jessica nakatakdang sumikat

Talaga yatang nakatakdang sumikat ni Jessica Sanchez. Nasa top 8 pa lamang siya ng American Idol pero sa ating mga Pinoy, made na siya.

Hindi lamang magaling kumanta ang batang ito, may karisma rin siya. Hindi rin siya stunner pero maganda siya, siguro nga dahil sa talent niya.

Tayo namang mga kababayan niya ay handang tumulong sa kanya. Kung puwede nga lang tayong mag-text, aba eh winner na siya agad. Pero dahil hindi nga kaya nagkakasya na lang tayo sa paghanga sa kanya from afar. Sana totoong madalaw niya tayo, para makita niya kung gaano kainit siya tinatanggap ng kanyang mga kababayan.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BOOTS ANSON ROA

HIRO MAGALONA

JESSICA SANCHEZ

KEN CHAN

SANA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with