^

PSN Showbiz

Mga bulaklak ng Laperal kikilalanin!

-

MANILA, Philippines - Matagal nang problema ng pamilya

Laperal

ang mga iskwater na naninirahan sa kanilang pagmamay-aring lupa sa Makati.

 Sina Aling Sharon Resureccion, Maritess Villanueva at Consuelo Saing ay ilan lamang sa mga ito.

Ngayong Biyernes ng gabi, kilalanin ang mga tinaguriang Bulaklak ng Laperal sa Tunay Na Buhay ng GMA 7.

 Si Aling Sharon, isang inang laging lasing kaya naman binansagan siyang lasenggerang siga. Si Aling Maritess naman ay nagmamay-ari ng isang maliit na tindahan—ngunit huwag tatangkaing hindi magbayad ng utang sa kanya dahil si Maritess, ang kilalang terror na tindera. Samantalang si Consuelo naman, hindi mapigilan ang katatalak kaya binansagang bungangera. 

 Tuklasin ang naiibang mundo ng tatlong magkaka-ibang mukha sa katauhan ng mga Bulaklak ng Laperal  ngayong Biyernes ng gabi sa Tunay Na Buhay, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

vuukle comment

BULAKLAK

CONSUELO SAING

LAPERAL

MARITESS VILLANUEVA

NGAYONG BIYERNES

SHARON RESURECCION

SI ALING MARITESS

SI ALING SHARON

TUNAY NA BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with