^

PSN Showbiz

Toni malayung-malayo na ang narating!

-

MANILA, Philippines - Isang testamento ng totoong talent at kasikatan ni Toni Gonzaga ang matagal nang inilalagi niya sa show business.

Unang napanood ang 28 anyos na beauty noong 1997 nang sumali siya sa singing competition na Tanghalan ng Kampeon.

Hindi nga siya nanalo pero hudyat na pala iyon ng pagsisimula ng kanyang kasikatan bilang recording artist at TV star. Panimulang taon niya ang 2001 nang magkasama sila ni Piolo Pascual sa isang TV ad at nagpasikat sa kanya habang lumalabas na rin ang kanyang unang album.

Sa sumunod na taon, naging isa siya sa mga host ng long-running variety show na Eat Bulaga. Mas nakilala siya sa kanyang galing sa TV hosting.

Kabilang sa mahaba niyang listahan ng credential ang Wazzup Wazzup, Pinoy Big Brother, The Buzz at ang Happy Yipee Yehey!

Bukod sa pagiging paboritong funny girl sa TV, napatunayan din ni Toni ang galing niya sa pag-arte sa paglabas niya sa maraming pelikula sa sinehan. 

Kasama naman sa kanyang mga film credential ang isang award-winning film, A Journey Home, at ang 2010 box office hit na My Amnesia Girl.

Dahil sa mga credential na ‘yan, nahubog ni Toni ang kanyang sarili bilang isa sa mga most in-demand na multi-talents sa bansa. Dumami ang kanyang pinagkakaabalahan dahil sa kanyang mga recording session, TV tapings, magazine shoots at events. Dahil dito, kailangan ng tulad ni Toni ang isang cell phone para magamit niya sa kanyang mga gawain sa music at TV, sa kanyang professional at personal life. 

Bunga nito, isang perpektong kasa-kasama ni Toni sa pangangasiwa sa magkabilang mukha ng kanyang pamumuhay ang bagong Dual SIM Champ Deluxe DUOS mula sa Korean mobile phone giant na Samsung.

Para matulungan si Toni sa pagkontak sa napakarami niyang kontak sa industriya at sa kanyang malalapit na mga kaibigan at pamilya, itinatampok sa Champ Deluxe DUOS ang Dual SIM, Dual On technology nito. Pareho at sabay na nagagamit ang dalawang SIM nang hindi na kailangang pagpalitin o ire-booth ang cell phone. Hindi na rin kailangang magkaroon ng dalawang magkahiwalay na cell phone.

vuukle comment

A JOURNEY HOME

CHAMP DELUXE

DAHIL

DUAL ON

EAT BULAGA

HAPPY YIPEE YEHEY

KANYANG

MY AMNESIA GIRL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with