^

PSN Showbiz

Sarah at Gerald nag-KTV date last Valentine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang sweet, sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo pala ang magka-date last Valentine’s Day (Feb. 15 na actually) at sa isang KTV bar sila pumunta. Hinintay pa ng aktor ang singer-actress dahil nanood muna ito ng Mr. & Mrs. A concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Hindi gawa-gawa ni Sarah at pamilya nito ang nasabing date nila dahil ang aktor mismo ang nagkuwento sa launching niya as the newest endorser ng Mint. Hindi na nga lang ito nag-elaborate kung saang KTV sila pumunta, pero group date ’yun at hindi lang silang dalawa.

Ang sagot ni Gerald sa tanong kung papayag siyang pakialaman ng mga fans ang love life niya: “Siyempre hindi. Binubuhos ko lahat sa work ko para matuwa sila. Sapat na ’yun. ’Wag tayong maging selfish, ang personal at love life ko, sa akin na lang ’yun.”

Payag si Gerald na makasama sa billboard si Xian Lim, ang nali-link kay Kim Chiu ngayon pero natawa ito sa sabi ng press na “ex” at “present” GF ni Kim.

Three years ang kontrata ni Gerald bilang Mint male endorser.

character actor ikokontrata ng Kapuso

 “Simeon” pa rin pala ang tawag kay Neil Ryan Sese ng fans kapag siya’y nakikita. Pangalan niya ito sa Munting Heredera pero malapit na siyang makilalang si Eric, former seaman na naging rich chef sa kanyang chain of restaurants at ama ni Rose­anne Magan sa Biritera.

Malapit nang pumirma ng management contract sa GMA 7 si Neil, siya ang first character actor na ikokontrata ng network at sa sobrang tuwa, natulala siya nang unang sabihin ang tungkol dito.

Ang misis niyang si Trinith at sa four-year-old daugh­ter na si Kahlia unang ibinalita ni Neil ang offer ng Channel 7 at iko-co-manage siya ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Anak ni Gary Estrada gusto agad sumabak sa paseksihan

Lovable si Kiko Estrada, ang 18-year-old anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz at makuwento pa. Napapanood siya ngayon sa Tween Hearts pero ’pag pumirma na ng kontrata sa GMA Artist Center (GMAAC), madadagdagan ang show niya.

Willing itong magpa-sexy, basta ’wag lang bold. Ayan, may sexy young actor na ang GMA 7!

Diplomatic affairs student sa College of St. Benilde si Kiko na Jayson Joseph Francis Carlos Ejercito ang buong name. Sa Colegio San Agustin siya graduate ng high school. Lolo niya sina George Estregan at Paquito Diaz at uncle si Joko Diaz.

Talent naman siya ng AVL Management ni Arnold Vegafria.

Marvin line producer na sa TV5

Present si Marvin Agustin sa trade launch ng TV5 at ang nasa isip agad ng tao ay lilipat na siya sa network ni Mr. Manny V. Pangilinan. Ang sabi, nandun ang aktor dahil siya at ang production niya ang line producer ng Kanta Pilipinas. Hindi siya talent ng show, line producer lang naman na mas malaking position.

Naalala naming may nagtsika sa aming may gagawing food reality program sa TV5 si Marvin pero sa ibang araw pa siguro matutuloy ’yun dahil bago maging talent ng istasyon, magiging line producer muna siya. Bongga!

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

ARTIST CENTER

CHESKA DIAZ

COLLEGE OF ST. BENILDE

GARY ESTRADA

GEORGE ESTREGAN

GERALD ANDERSON

JAYSON JOSEPH FRANCIS CARLOS EJERCITO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with