^

PSN Showbiz

Lovi nagulat sa ibinigay na party ni Ronald Singson!

- Ni LF -

MANILA, Philippines - Nitong nakalipas na weekend, ang dalawang bida sa glossy-drama masterpiece ng Kapuso Network na Legacy ay sinurpresa ng mga nagmamahal sa kanila.

Noong Sabado, nagulat si Lovi Poe dahil sa inihandang Surprise Birthday party sa kanya ng lalaking malapit sa kanya na si Ronald Singson. Ginanap ang nasabing pagdiriwang sa Robot na dinaluhan naman ng mga malalapit na kaibigan ni Lovi sa loob at labas ng showbiz.

Nang makausap namin si Lovi, inamin niyang sobra siyang natuwa sa nasabing surprise party. “Thank you sa lahat ng nagpunta at nagsurprise sa akin. I’m overwhelmed,” masayang banggit ng dalaga.

Samantala, ang isa pang bidang si Heart Evange­lista ay nagulat din sa inihandang salo-salo ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga kagabi.

Hindi mapigilan ng aktres na maluha sa inihanda ng kanyang nobyo. “I’m surprised and loved. Thank you to everyone who remembered,” paha­yag ni Heart

Kaya naman masayang-masaya ang dala­wang bida ng Legacy na parehong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Pebrero.

Huwag palampasin ang mga tumitinding kaganapan sa most alluring primetime series ng GMA, ang Legacy pagkatapos ng My Beloved.    

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

GINANAP

HEART EVANGE

KAPUSO NETWORK

LOVI

LOVI POE

MY BELOVED

NOONG SABADO

RONALD SINGSON

SURPRISE BIRTHDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with