^

PSN Showbiz

Hairline News ibibida sa LIFE AND STYLE

-

MANILA, Philippines -  Malaki ang naitutulong ng ayos ng buhok sa ikagaganda ng isang tao mapa-lalake o babae. Kaya naman sinasabing ang “crowning glory” ng ating mukha ay ang hair.

Sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ng GMA News TV ngayong Sabado alas-diyes ng umaga’y ihahatid ang Hairline News na pag-uusapan ni Mader Ricky at mga panauhing beauty experts ang angkop na gupit at estilo sa Taong 2012. Ibibigay din nila ang paksang grooming at styling ayon sa kulay ng balat, korte ng mukha, taas at timbang ng tao.

Panauhin ang komedyanteng stylist na si Detective Ganda na magbibigay din ng payo on the air na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood. Sabi nga ng kanyang mga fans, manhid na lang ang ‘di tumambling sa kalokahan ni DG.

Ipapakita rin ni Mader ang kanyang bagong creation na Hair Booster na angkop sa mga medyo numinipis na ang buhok. “Kami ang nag-introduce ng hair rebond, hair spa at hair reborn. Paano’y gusto naming laging may bagong pampaganda na maaaring gawin sa mahigit 40 Gandang Ricky Reyes salons sa buong bansa. Sabi nga – the customer is always right at ito ang sikreto kung bakit binabalik-balikan nila ang ating mga salon,” sabi ng LSWGRR host-producer.

‘Di nga tumitigil ang beauty guru sa pagdiskubre ng mga modernong technique at napapanahong kaalaman sa pangingibang-bansa na mga beauty capitals sa iba-ibang parte ng mundo ang dinadalaw. Ibinabahagi niya ito sa mga kapwa hairdresser, cosmetologist at mga miyembro ng Filhair Coop (Filipino Hairdressers Cooperative) na itinatag niya isang dekada na ang nakakaraan.

“Lahat tayo’y may angking kagandahan. Nasa atin na lang kung paano natin palulutangin ang gandang ‘yon,” dagdag pa ng salon czar.

vuukle comment

DETECTIVE GANDA

FILHAIR COOP

FILIPINO HAIRDRESSERS COOPERATIVE

GANDANG RICKY REYES

HAIR BOOSTER

HAIRLINE NEWS

MADER RICKY

SA LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with