^

PSN Showbiz

Genelyn Magsaysay inabot ng siyam-siyam sa pakikipag-usap sa lawyer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Love ko si Jessica Soho kaya hindi ko natanggihan ang request na i-phone patch interview niya ako sa State of the Nation noong Biyernes ng gabi.

Ang State of the Nation ang programa ni Mama Jessica sa GMA News TV at tinawagan ako sa telepono ng kanyang staff para sagutin ang mga paha­yag ni Genelyn Magsaysay na nag-guest ng live at nagsalita tungkol sa problema na kinasasangkutan ng pamilya niya.

In fairness, maganda si Genelyn sa kanyang guesting. Mukhang nakapahinga na siya dahil hindi na harassed ang kanyang itsura.

Mahinahon na ang pagsasalita ni Genelyn. Hindi na siya combative pero nega ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang dialogue tungkol kay Senator Bong Revilla, Jr.

Inamin ni Genelyn na nagalit siya kay Bong dahil hinayaan nito na arestuhin ng mga pulis ang half-brother na si RJ. Pinagsalitaan daw niya si Bong ng “Bakit mo ibinigay, senador ka pa naman...”

Naimbyerna kay Genelyn ang mga tao dahil lumalabas na gusto niya na gamitin ang pagiging senador ni Bong para hindi hulihin ng mga pulis ang kanyang anak.

Ikinuwento rin ni Genelyn na hindi na sila nagkakausap ni Mang Ramon Revilla, Sr. dahil wala na siyang access sa mansion, ang bahay ng mga Revilla sa Bacoor, Cavite.

Welcome ang lahat sa mansion at siguro, hindi makapunta si Genelyn dahil sa pang-aaway niya kay Bong.

Live din sana ang interbyu kay Genelyn sa 24 Oras pero hindi ito natuloy. Sa pagkakaalam ko, 4:00 pm ang inaasahan na pagdating ni Genelyn sa studio ng 24 Oras pero hindi natuloy ang live interview sa kanya dahil nag-usap pa sila ng kanyang lawyer.

Natagalan siguro ang pag-uusap ng dalawa dahil inayos na mabuti ng lawyer ang mga dapat sabihin ni Genelyn sa pagharap nito sa kamera.

Hindi nag-materialize ang live appearance ni Genelyn sa 24 Oras at natuloy na lamang sa show ni Mama Jessica ang interbyu sa kanya.

‘Hindi na ako magsasalita tungkol kay Genelyn’

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magsasalita tungkol kay Genelyn para hindi na malihis ang isyu.

Tama na ‘yung ipinagtanggol ko si Bong at sinagot ko ang mga maling akala ni Genelyn. Na-realize ko rin na kahit hindi ko sagutin si Genelyn, siya na mismo ang nagbibigay ng dahilan para mawala ang simpatiya sa kanya ng mga tao dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Saka, hindi ko pinangarap na isipin ng mga tao na kaming dalawa ni Genelyn ang nag-aaway dahil pinag-aagawan namin si Mang Ramon ‘no!

Rap, proud papa

Proud papa si Rap Fernandez ni Lyla Victoria, ang anak nila ng kanyang girlfriend na si Nana.

Inilabas kaagad ni Rap sa kanyang Facebook account ang picture nila ng kanyang cute baby girl na isinilang noong 11-11-11.

Mabait na anak at mahilig sa bata si Rap kaya sure ako na magiging mabuting tatay siya ni Lyla. Kaharap si Rap at ang kanyang nanay na si Lorna Tolentino nang isilang ni Nana ang bagets.

Lyla Victoria ang napili na pangalan nina Rap at Nana para sa kanilang baby girl dahil Lyla ang pa­ngalan ng madir ni Nana at Victoria naman ang se­cond name ni LT.

vuukle comment

ANG STATE OF THE NATION

BONG REVILLA

DAHIL

GENELYN

KANYANG

LYLA VICTORIA

MAMA JESSICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with