^

PSN Showbiz

Miss World 2011 napasok ng mga chaka at mukhang matrona na!

- SEEN SCENE -

PIK: Mamayang ha­pon na ang grand opening ng bagong negosyo ni Boy Abunda na Sir Boy’s Food Republique sa may Panay Avenue, Quezon City.

Isa ito sa mga partnerships nila ng best friend niyang si Boy So ng La Carmela de Boracay.

Mahilig kumain si Kuya Boy A. at sinusubukan talaga ang iba’t ibang restaurant kaya malaking bagay itong mga naobserbahan niya para i-apply sa ipinatayo nilang restaurant.

Magkakaroon muna ng misa ng alas-kuwatro ng hapon at susundan ng ribbon-cutting ceremony pagkatapos nito na dadaluhan ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

PAK: Talbog na ngayon si Shamcey Supsup ni Gwendoline Ruais dahil first runner-up o First Princess ang nakuha nito sa katatapos lang na Miss World 2011 sa London.

Congratulations kay Ms. Cory Quirino sa kanyang first venture sa Miss World-Philippines!

Hindi maiwasang pagkumparahin sila ni Stella Marquez-Araneta na matagal nang humahawak ng Binibining Pilipinas. Hirap na hirap itong pasukin ang Miss World pagkatapos mag-Second Princess ni Ruffa Gutierrez.

Hindi kagaya ng kay Ms. Quirino na first time pa lang, pasok agad sa Miss World pagkatapos mag-first runner-up ni Gwendoline.      

Ang napapansin lang namin sa Miss World 2011 na ipinalabas kahapon, ang daming chakang kandidata na mukhang matrona.

Hindi pa entertaining ang presentation na gusto na naming tulugan!

BOOM: Kahit ano pang pasaring ni Genelyn Magsaysay kay Sen. Bong Revilla, Jr. wala nang panahong sagutin pa ito ng senador-aktor alang-alang sa katahimikan ng pamilya.

Paulit-ulit niyang sinasabing walang maitutulong itong publicity sa kanya at para sa anong dahilan nga ba?

Nagkaroon ng pa-siyam para kay Ramgen Revilla nung nakaraang Linggo, at nagpa-misa sila sa Angelus Eternal Garden pero hindi dumating doon si Genelyn at mga anak nito.

Nasasaktan sina Sen. Bong at ang buong pamil­ya sa mga pasaring ni Genelyn, pero ayaw na lang nilang patulan pa.

Narito na lang ang statement ni Cong. Lani Mercado na ipinoste sa kanyang Facebook account: “Kung tunay na mahal ni Ramona si Daddy she should once and for all come back and tell the truth. The truth will set you free.

“Bong is a son, brother, husband, and father. He’ll give the best based on what is fair, just and compassionate. His job is to do what is right.”

vuukle comment

ANGELUS ETERNAL GARDEN

BINIBINING PILIPINAS

BONG REVILLA

BOY ABUNDA

BOY SO

CORY QUIRINO

FIRST PRINCESS

FOOD REPUBLIQUE

GENELYN

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with