^

PSN Showbiz

Pag-aalsa balutan tuloy na, Sharon nagpapa-hard to get na sa Kapamilya network

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi pa rin daw nagbibigay ng schedule si Sharon Cuneta kung kailan siya available para sa shooting ng Christmas station ID ng Kapamilya Network.

Ilang beses na raw may nag-attempt na kausapin si Mega pero wala raw ibinibigay na availability ang Megastar.

Si Boss Vic del Rosario na ang manager ngayon ni Sharon at wala pa namang linaw kung tuloy ang paglipat nito sa TV5 although mismong isang taga-TV5 ang nagbuking na lilipat nga si Sharon sa Kapatid Network at doon na nga raw ito magbi-birthday.

Aktor naging expeRt sa alak dahil sa kasamahang aktor

Isang dating kasamahan pala sa show ang nagturo sa isang aktor na lumaklak ng alak. Kuwento ng isang source, madali namang natuto ang aktor sa kapwa aktor pero mas nalulong daw ang tinuturuan kesa sa nagturo. Sinamahan daw kasi ng droga ng aktor ang pag-inom simula nang matuto ito.

Kaya ayun talagang napasama raw ito nang husto.

Eh ang nagturong uminom kahit daw paano ay nagka­roon naman ng direksiyon ang buhay ‘yun nga lang daw, hindi na nito natanggal sa kanyang sistema ang alak.

Ang dagdag ng source, nasa lahi raw ng aktor ang pagka-adik sa alak kaya hindi na ito maalis-alis ng aktor sa kanyang katawan na loveless sa kasalukuyan.

Eh ang tinuruan daw, may career pa rin naman pero pasulput-sulpot na lang.

Sarah at Martin hahataw sa CDO

Sa Cagayan de Oro hahataw ang What Love Is concert ni Sarah Geronimo and Martin Nievera, ngayong 8:00 p.m. sa Limketkai Atrium.

Bukod sa provincial tour nila ng What love Is, super busy na rin si Sarah sa movie nila ni Gerald Anderson na I Won’t Last A Day Without You na palabas na sa November 23.

Impostora ni Regine

Parang pinu-push na ala-Sarah Geronimo ng Kapamilya Network si Angeline Quinto. Kaya lang imbes na kay Sarah ikumpara ang singer na ginawa na ring artista, impostora ni Regine Velasquez pala ang tawag sa kanya ng marami.

“Eh kasi, ang boses, pananamit, pagsasalita, tindig, si Regine ang ginagaya niya,” say ng isang taga-showbiz na beterano na.

Kung sabagay si Regine naman talaga ang idol niya. Ay actually, member sila ng mutual admiration society dahil pareho silang bilib sa isa’t isa. ’Di ba sinabi pa ni Regine na si Angeline ang next superstar?

At gusto namang mag-ninang ni Angeline sa anak nina Regine at Ogie Alcasid.

Ramona Revilla ‘Napagkamalang’ bold STAR

Ay may nag-isip palang ang Ramona Revilla na sinasabing sangkot sa pagpatay sa kapatid na si Ram ay may nag-akalang ang dating bold star na si Ramona Revilla.

Helloh. By this time, matanda na ang dating bold star na si Ramona Revilla.

Ang tagal na kaya niyang wala sa eksena.

Saka naki-ride lang noon ang dating bold star sa panga­lan ni Sen. Ramon Revilla Sr.

Tatay ni Charice hindi pinaniniwalaan!

Buti naman at sumuko na ang pumatay sa tatay ni Charice Pempengco.

Self defense ang sinasabi nitong dahilan kaya niya napatay ang tatay ng international singer na hindi pala pinaniniwalaan na ama niya sa tuwing sasabihin nito na siya ang tatay ni Charice.

Madungis daw kasi ang hitsura ng pinatay na tatay at may pagkakataon pang napagkamalan itong may mental illness kaya may dapat pala talagang maka­ramdam ng pagka-guilty ang singer na unang sumikat sa YouTube.

vuukle comment

AKTOR

ANGELINE QUINTO

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

DAW

GERALD ANDERSON

I WON

KAPAMILYA NETWORK

RAMONA REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with