^

PSN Showbiz

Lucy mas atat pa Richard, hindi nagdalawang-isip na makatrabaho si Dawn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masayang-masaya si Richard Gomez sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya Network pagkalipas ng sampung taon. Ngayon lang muling nakita ni Goma ang mga dating katrabaho at executives ng ABS-CBN sa kanyang contract signing noong Lunes.

“I am very happy. I’m very flattered because everyone’s making me feel welcome. Mahaba-haba rin na panahon na hindi ako nakapuntang ABS-CBN. Nag-usap kami ni Boss Gabby (Eugenio Lopez III), he welcomed me. Mahaba rin kaming nakapag-usap, ’tapos kami naman nina Tita Cory (Vidanes) at Ma’am Charo (Santos-Concio) ang nagkita-kita. So, I am really happy to be a Kapamilya again,” pahayag ni Richard.

Ayon sa aktor, ang kanyang business manager na si Pia Campos ang naging responsable sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya.

“She’s the one who has been talking to people in ABS-CBN. She’s the one who made it happen, and then of course, kaila­ngan ng approval from the management. I’m very happy that the prodigal son is back. Eh matigas ang ulo ko dati, siguro that was the reason kung bakit ako umalis ng ABS-CBN noon. But now, I’m here again,” dagdag pa ni Goma.

Isang soap opera ang nakatakdang gawin ni Richard kung saan ay muli niyang makakasama si Dawn Zulueta sa isang proyekto. Walang Hanggan ang titulo ng serye at ngayon pa lamang ay sobrang excited na ni Richard para sa serye.

“Noong ikinuwento nila itong project na ito, sinabi sa akin na kasama si Dawn, hindi talaga ako nag-dalawang isip. ’Yung movie namin ng Hihintayin Kita sa Langit ginawa nilang soap version. Exciting kasi maganda ’yung project na iaalay natin sa fans,” kuwento ni Richard.

Dagdag pa ng aktor na sobrang excited din ng kanyang asawang si Rep. Lucy Torres sa reunion project na gagawin nila ng ex-girlfriend.

“Lucy is a big fan of Richard and Dawn. She watched Hihintayin Kita sa Langit more than twenty times. So, when she found out about this project, she was so happy that she texted Dawn right away. Sabi niya, oh my God, you and Goma are having a project together. Mas nauna pang nag-text si Lucy kay Dawn kesa sa akin,” nakangiting kuwento ng aktor.

Gov. Vi aliw na aliw kay Jennylyn

Botong-boto si Gov. Vilma Santos kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano. May lumabas kasing balita kamakailan na hindi boto si Ate Vi kay Jennylyn kaya agad nilinaw ni Luis ang isyu.

“Boto si mommy kay Jennylyn base sa text messages pa lang sa akin about Jennylyn after their interview para sa talk show nila sa kabila. Aliw na aliw siya kay Jennylyn and my mom is being very objective bilang isang ina sa kanyang pahayag pero I know my mom is very happy kung anuman ang estado namin ni Jen.

“Every time she texts me regarding Jen, papuri ang mga sinasabi ni mommy,” pahayag ni Luis.

Ayon pa sa binata, labis niyang kilala ang ina kung gusto o hindi nito gusto ang isang tao.

“Hindi niya sinasa­bing diretso pero mararamdaman mo. You can feel the sincerity kasi si mommy ko naman hindi naman siya ’yung ganun ka-brutal pero mararamdaman mo kung ayaw niya sa isang tao,” paglilinaw ni Luis. —Reports from James C. Cantos

vuukle comment

ATE VI

AYON

BOSS GABBY

DAWN ZULUETA

EUGENIO LOPEZ

GOMA

HIHINTAYIN KITA

JENNYLYN

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with