^

PSN Showbiz

Vin Diesel idinenay na ama ng anak ni Andrea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sikat na sikat noon si Andrea del Rosario nang mapabilang siya sa sexy group na Viva Hot Babes. Pansamantalang iniwan ng aktres ang showbiz dahil nag-negosyo at nanatili rin siya sa ibang bansa ng halos dalawang taon.

Sa kanyang pagbabalik ngayon ay naikuwento niya ang mga hirap na kanyang pinagdaanan nang magkaroon ng isang anak na babae. Nagkaroon ng karamdaman si Baby Beatriz nang ipinagbubuntis pa lamang siya.

“’Yung ultrasound sa photo studio, that’s when I found out ’yung four-dimension na photo, and then the technician told me na I think you should go back to your doctor because there’s something wrong with the images. Pagtingin ko may mga grapes like images sa ultrasound, doon na nagsimula,” kuwento ni Andrea.

“Nagulat ako, akala ko isa lang siyang problema na okay sige paglabas niya surgery and then we can just go on with our lives. Hindi ko alam na ganun katagal. It’s a long process and in a way may mga complications siya along the way. I was in denial at that time, I didn’t wanna read anything about it, ang sinasabi ko let’s just wait for it to come out.”

Hindi pangkaraniwang sakit ang nangyari sa anak ni Andrea.

“Na-diagnose siya ng Jejunal Atresia, nagbuhol ’yung small intestine niya, buhul-buhol siya, they have to cut a part of it, na-try nilang i-save ’yung iba. Two days old lang, pagka-pakita sa akin, after that nag-surgery na. Maraming nagsasabi na it’s just a fluke of nature, nangyayari lang. Mahirap na nakakabaliw na lahat ng santo natatawag ko na every night in our hospital room.

“Lord, okay lang kahit na sampung beses kong daanan ito okay lang basta mauwi ko lang talaga siya,” pagdedetalye ni Andrea.

May mga araw na gusto nang bumigay ng aktres noon dahil sa kanyang mga iniisip na problema sa kanyang anak.

“May mga moments na nga rin ako na nagwawala ako sa hospital kasi first baby. I never experienced having a baby before, and then may problema pa. Now, she ended up having short bowel syndrome, FBS, because of that kailangan nila lagyan ng feeding pump so up to now meron siyang feeding pump. That’s okay, ’yung before niya, ’yung TPN, ’yun ang medyo susceptible sa infection so we had to go through line replacement surgeries. It’s an additional nutrition while they’re rehabilitating her gut.

“She looks good now, that’s why I’m sharing the story because it’s a success story. Gusto ko talaga maisalaysay ng maayos ’yung istorya niya, to inspire people about this,” pahayag ni Andrea.

Samantala, noon ay napabalitang ang sikat na Hollywood actor na si Vin Diesel ang ama ng anak ni Andrea. Sino nga ba ang tunay na ama ni Beatriz?

“Naku, hindi po! Matagal na po kaming hindi nagkita. I was surprised I received a Christmas greeting from him one time sa e-mail then after that wala na. Right now I hope it’s okay. I just don’t wanna mention him (the father) for his privacy because I really respect him so much. He’s a wonderful person. I don’t have anything bad to say about him. He’s been taking care of my daughter and that’s it, I want Bea to love her father,” pagtatapos ni Andrea.— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANDREA

BEA

BEATRIZ

JEJUNAL ATRESIA

SIYA

VIN DIESEL

VIVA HOT BABES

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with