^

PSN Showbiz

Talentadong komedyante, rarampa sa Beau-Con

-

MANILA, Philippines - Ikawiwindang ng mga manonood ang pagpapakitang gilas ng talento at tali­no ng mga contestants sa comedy show na Beau-Con (Pagandahan ng mga Diyosa) na gaganapin ngayong Sabado ng gabi, Setyembre 10, sa Zirkoh Tomas Morato.

Sari-saring preparasyon ang ginawa ng mga kalahok na pinangungunahan nina Petite, Michelle O’Bombshell, Angel, Atak at Boobsie (ng Comedy Bar) upang magpasabog na siguradong ikatutuwa ng manonood.

Upang husgahan naman ang talent nila, nakatakda silang laitin ng komed­yanteng si Shalala ng TV5 shows na Juicy at Talentadong Pinoy.

Nagpasabi naman si Allan K na gustong maging bahagi ng show kaya aba­ngan ang sorpresang hatid ng Pambansang Ilong ng Pilipinas. Idagdag pa riyan ang kabaliwang dala nina Philip Lazaro at Kim Idol na hosts ng pageant.

Ihanda ring makilig sa presence ng mga guwapitong sina Alden Richards at Indie Prince/Cinemalaya best actor na si Edgar Allan Guzman.

At kung paseksihan ang hanap, nandiyan ang seksing grupo ng EB Babes  idag­­dag pa   ang may asim pa ring si Jean Garcia na hahataw sa pagsasayaw at paggiling.

Tunay na de kalidad na katatawanan sa Beau-Con (Pagandahan ng mga Diyosa) kaya naman para sa tickets, tumawag sa 7080-994; SM Cinemas - 470-2222; Zirkoh Morato- 37-67-287 or text sa 0918-407-41-72 at 0916-76-78-553.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALLAN K

BEAU-CON

COMEDY BAR

DIYOSA

EDGAR ALLAN GUZMAN

INDIE PRINCE

JEAN GARCIA

KIM IDOL

MICHELLE O

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with