^

PSN Showbiz

Cong. Roman gustong siraan kay Shalani?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ay may issue pala na may asawa na si Cong. Ro­man Romulo na balitang boyfriend na ni Shalani Soledad na siyempre pa ay ex girlfriend ni Pre­sidente Noynoy Aquino. Sabi ng caller, ang gaga naman daw ng nagsasabi na may asawa na ito dahil alam ng buong mundo na bachelor si congressman na anak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo. In fact, marami na nga raw naiinip na magka-asawa ito.

Sana raw mag-check ang iba bago magsalita or duda ang caller na talagang gusto lang siraan ang kongresista sa pagsasabing may asawa na ito. “Lawyer kaya siya. So Kung may-asawa siya, siguro naman ayaw niyang mademanda at alam niya ang pinapasok niya,” sabi ng source sa kabilang linya.

Actually. Sino ba kasi ang nagkakalat ng kuwentong may misis na si Cong. Roman? Parang wala namang issue na ganun.

Anyway, may balita rin naman na hindi pa on sina Cong. Roman and Shalani.

X-Citement Sa X-Deal

Grabe mainit at mapangahas ang bagong pelikula ng Digital Viva, ang X-Deal.

Yup, mag-aalab na naman ang puso sa X-Deal mula sa award-winning director na si Lawrence Fajardo (2005 Special Jury Prize sa Cine­malaya Independent Film Festival para sa pelikulang Kultado) at award-winning screenwriter na si Jimmy Flores (2005 Cinemanila Digital Local Best Picture Award, 2007 NETPAC Award, at 2007 Grand Jury Prize sa LA Outfest para sa Tuli ).

Ang kuwento : bago makamit ng isang lalaki ang pinagnanasaang babae, dapat may kapalit. Paano kung ang hinihingi ay ang mismong karelasyon?

Sina Billy (Jon Hall) at Sara (Paloma) ay bagong lipat sa katabing apartment ng maalindog na si Dana (Jamilla Obispo). Natural na mahilig sa babae, hindi maiwasang pagpantasyahan ni Billy si Dana kahit na binibigay naman ni Sara ang lahat para paligayahin siya. Hindi naman tinatago ni Dana sa kapwa babae ngayon ang gusto niya at natitipuhan niya si Sara.

Isang kasunduan ngayon ang iaalok ni Dana kay Billy. Kung papayag si Sara na makipag­siping sa kanya ng isang gabi, pagbibigyan ni Dana ang gustong mangyari ni Billy. Sa gitna ng matinding sexual tension, sino sa tatlo ang magmamahal nang tunay? At sa x-deal na ma­gaganap, sino nga ba ang tunay na liligaya?

Humanda na sa mga nag-aalab na eksena simula September 7 sa mga piling sinehan ng Robinsons. Mula sa Digital VIVA at ALV Pro­ductions.

Sign na kaya ito na dumarami na ang pelikulang ipinalalabas? Linggu-lingo lately kasi ay may ipinalalabas na Tagalog film. At in fairness, kumikita naman kahit papaano. Meron din naman mabilis nawawala sa sinehan. Tapos heto nagbabalik ang sexy movie.

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

CINEMANILA DIGITAL LOCAL BEST PICTURE AWARD

DIGITAL VIVA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY

GRAND JURY PRIZE

INDEPENDENT FILM FESTIVAL

JAMILLA OBISPO

NAMAN

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with