^

PSN Showbiz

Waiter muntik mahimatay sa nakitang pera ng kapatid ni Jinkee Pacquiao

- SEEN SCENE -

Seen : Mataray, bugnutin at mayabang ang cameraman ni Dyan Castillejo na nag-cover sa presscon ng Thelma.

Nagalit at paulit-ulit na nagsalita ng “f...k” ang cameraman dahil sa mga reporter na nakaharang sa kanyang camera.

Ang cameraman ang palaging kasama ni Dyan sa mga news coverage sa abroad pero hindi ito lisensiya para magtaray at umarte siyang nakakaangat sa iba.

Scene : Kimi at may problema sa pagsasalita ang dating child star na si Eliza Pineda.

Hindi komportable si Eliza nang humarap sa mga reporter sa presscon ng Thelma.

Seen : Ang balita na dinibdib nang husto at hindi makatulog si Hayden Kho, Jr. dahil sa pasya ng Professional Regulation Commission na bawiin ang kanyang medical license.

Bale-wala ang nangyayari ngayon kay Hayden sa sleepless nights noon ng mga babae na idinamay niya sa sex videos na kanyang palihim na kinunan.

Scene : May sawa factor ang mga unang episode ng My Binondo Girl.

Dapat itong bigyang-pansin sa lalong madaling panahon para hindi mag-suffer ang ra­tings ng show ni Kim Chiu.

Seen : Muntik nang himatayin ang isang waiter dahil nakita nito ang bungkos na pera na inilabas ni Janet Jamora nang kumain sila ni Jinkee Pac­quiao sa isang restaurant noong Miyerkules ng gabi.

Inilabas ni Janet ang bungkos na salapi nang magbabayad na sila ng kanilang bill.

Si Janet ang twin sister ni Jinkee.

Scene : Magkakaroon ng post-birthday celebration sa Casa Roces si Mother Lily Monteverde.

Kasali ang pangalan ni Nora Aunor sa listahan ng 50 guests ni Mother Lily.

Ang Casa Roces ang bagong bukas na restaurant sa compound ng Malacañang Palace.

Seen : Si JC De Vera ang leading man ni Michelle Madrigal sa Huling Sayaw ni Salome.

Si Zoren Legaspi ang producer at direktor ng launching movie ni Michelle.

SCENE : Darating sa Pilipinas ang Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez para sa promo tour ng laban nila ni Congressman Manny Pacquiao.

Naka-schedule sa September 3 ang promo tour.

vuukle comment

ANG CASA ROCES

CASA ROCES

DE VERA

DYAN CASTILLEJO

ELIZA PINEDA

HAYDEN KHO

HULING SAYAW

JANET JAMORA

JINKEE PAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with