^

PSN Showbiz

Erich binusalan sa away nila ni Angelica

-

MANILA, Philippines - Sa wakas muling mapapanood ang tambalan nina Enchong Dee at Erich Gonzales sa isang te­leserye na pinamagatang Maria La Del Barrio.

Kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans dahil huli silang nagsama sa project na Magkaribal nung isang taon pa. Sulit ang ipinaghintay ng kanilang mga tagahanga maging ng dalawang bida dahil sa ipinagkatiwala ng ABS-CBN na TV remake ng Mexican telenovela hit.  

“Kahit kami rin po naghintay, kaya masayang-masaya po kami na finally, eto na, mapapalabas na. And alam naming napakalaking project nito and we’re just very thankful na ipinagkatiwala sa amin ito,” sabi ng lead actress.

“Saka nangungulit sa management para mapanood kami ulit,” sabi naman ni Enchong.

Sa Maria La Del Barrio ay mas maraming bago silang ipakikita. Mas sexy ito pero may pagka-comedy din. Walang hesitations sa mga kissing scenes si Erich with Enchong dahil sobrang komportable na siya sa leading man.

“Ang dami na po namin kasing projects na pinagsamahan at sa bawat project po na ‘yun, mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa. Talagang naggo-grow kami and wala nang kahit anong inhibitions,” paliwanag ni Erich.

Ang isa pang na-appreciate ng aktres sa kapareha ay never itong nag-take advantage sa mga romantic scenes nila at lagi pa itong nakaalalay sa kanya.

Alam naman ng mga tagahanga nila na walang namamagitang romansa sa kanila pero talagang umaasa pa rin na sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Pero sabi ni Enchong, mas maganda siguro kung maging magkaibigan muna sila pero hindi naman sila nagsasalita ng tapos.

Kung gaano ka-open magsalita ang aktres sa ka-love team ay siya namang kabaligtaran sa pagsagot niya sa isyu kay Angelica Panganiban. Sa presscon lang sana siya makakausap tungkol sa naging iringan nila ng girlfriend ni Derek Ramsay pero tumanggi pa si Erich na magsalita. Para siyang nabusalan.

“Sana po maintindihan n’yo pero sabi kasi ng Star Magic, ’wag na mag-comment at wala naman po akong kailangang i-react dahil nasagot na po ’yun. Tapos na,” maiksing sagot ni Erich.

Magsisimula na ang Maria La Del Barrio sa Aug. 15 sa primetime slot ng ABS-CBN, sa direksiyon nina Rory Quintos at Richard Somes. Kasama rin sina Jake Roxas, Angel Aquino, Ian Veneracion, at Assunta de Rossi sa cast.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

IAN VENERACION

JAKE ROXAS

MARIA LA DEL BARRIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with