Ali Sotto, Balik-TV sa Personalan
Manila, Philippines - Muling mapapanood ang beterano at well-respected na TV personality na si Ali Sotto sa telebisyon sa pagsisimula ng talk-drama program na Personalan sa GMA News TV bukas, Lunes, Hulyo 25.
Sa kanyang halos tatlong dekada na showbiz career, nagsimula si Ali bilang singer hanggang sa naging aktres at 'di nagtagal ay nalinya bilang isang TV host. At sa muli niyang pagbabalik sa telebisyon, eksaktung-eksakto kay Ali ang programang Personalan ng GNTV na nakatakdang magbahagi ng iba't-ibang drama ng buhay.
Samahan si Ali Sotto sa isang oras na usapan tungkol sa drama ng buhay sa Personalan ngayong Lunes na, Hulyo 25, 5:00 p.m, sa GMA News TV Channel 11.
Pinag-usapan ang unang programa ni Ali nang sandali lang itong tumagal sa ere. Pero sa GMA 7 ‘yun - Starbox - na ibang-iba ang concept sa Personalan na mukhang bagay sa personalidad niya.
- Latest





















