^

PSN Showbiz

Sam Concepcion sawa na kay Coleen Garcia

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man sila umaamin sa kanilang relasyon ay tila patapos na ang matamis na pagtitinginan nina

Sam Concepcion

at

Coleen Garcia

.

May bago na raw kasing nilalambing si Sam sa top-rating youth-oriented program na Good Vibes, at ito’y walang iba kundi ang dating PBB teen housemate na si Yen Santos.

Sa paparating na mga episode ng Good Vibes, makikita ang paglalapit ng loob ng mga karakter nina Sam at Yen na sina Marc at Ara. Matagal nang minamahal ng palihim ni Ara si Marc, samantalang, sinisimulan naman ni Marc ang pagmu-move on matapos palayain na ang ex-girlfriend na si Monique (Coleen).

Aminado naman si Yen na kinikilig siya sa mga eksena kasama si Sam, na matagal na niyang crush, mula pa noong Little Big Star days ng binata.

“Siya lang ang pinapanood ko dun. Siyempre ngayong ka-loveteam ko siya, feeling ko ang suwerte-suwerte ko,” sambit ng dalaga.

Madali naman daw magustuhan si Sam, lalo na’t napakalambing nito. “Masasabi ko na si Sam ang pinaka-sweet sa lahat. Ang hirap i-explain. Pero kasi, gentleman siya. Tapos madalas siyang yumakap, magpatawa, ganun. Ang sweet ni Sam, sobra,” ani Yen.

Hindi lang sina Sam at Yen ang magpapakilig sa mga kabataan sa Good Vibes. Tuloy pa rin ang kuwento nina Maribeth, Spencer, at Gab, na ginagampanan nina Devon Seron, James Reid, at Ivan Dorschner. Mahahalata ni Gab na nauungusan na siya ni Spencer sa puso ni Maribeth, pero mawalan kaya siya kaagad ng pag-asa?

Abangan din kung anong development ang magaganap sa pag-iibigan ni Troy (Enrique Gil) at Geleen (Linn Oeymo). Ngayong Linggo, muling magba-banggaan ang SinagDiwa at Bustamoves sa labas ng dance floor. Mauwi kaya ito sa sakitan? Panoorin tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP Rocks, sa ABS-CBN.

vuukle comment

COLEEN GARCIA

DEVON SERON

ENRIQUE GIL

GOOD VIBES

IVAN DORSCHNER

JAMES REID

LINN OEYMO

LITTLE BIG STAR

MARIBETH

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with