^

PSN Showbiz

Aktres nag-iinarte sa pakikipagsampalan sa bida

-

MANILA, Philippines - Umiral na naman ang pagiging pasaway at kaartehan ng kilalang aktres na napapanood ngayon sa isang drama series. Namimili kasi ito ng eksenang gagawin lalo na kung kakaiba iyon sa usual na sampalan o pakikipag-away sa bida na ginagawa sa mga soap.

Kailangan pang paliwanagan ang aktres para mapapayag siyang gawin ang kakaibang eksena niya. Magaling pa namang umarte ang aktres pero kung lagi na lang itong magbibigay ng sakit ng ulo sa produksiyon, magdadalawang-isip na sila kung kukunin pa siyang regular sa mga susunod na shows ng network.

Rochelle nanginig sa love scenes kay Sid

Nakunan na ang love scenes nina Sid Lucero at Rochelle Pangilinan sa Amaya. Bagong kasal kasi ang drama nila kaya siyempre may honeymoon na dapat mangyari sa kanila.

Ang tsismis nga, nanginginig si Rochelle bago kunan ang eksena. First time niyang gagawin kasi sa kanyang career kaya nerbiyos na nerbiyos siya.

Kaya naman halata ang pagkailang sa isa’t isa nina Sid at Rochelle nang kinukunan ang eksena. So kinailangang kausapin muna ang dalawa para ma­ging kampante sa eksena. 

Naintindihan naman ng dalawa ang gustong mangyari ni Direk Mac Alejandre, kaya matapos ang masinsinang usapan, hayun at bumigay na sina Sid at Rochelle.

Paolo umaming hindi nabakante sa babae

Hinahaluan ng komedya ni Paolo Contis ang role niyang kontrabida kay Raymart Santiago sa bagong afternoon drama ng GMA na Futbolilits na kapalit nang matatapos na Magic Palayok. Kaya naman nabibigla minsan si Raymart sa mga hirit ni Paolo na patawa sa mga eksenang naglalaban sila.

Hindi naman sagabal ang Futbolilits sa iba pang show ni Paolo. Tapos na kasi ang taping niya sa I-Shine at ’yung bagong show niya kasama si Manny Pacquiao ay live namang mapapanood next month.

“Sabay-sabay lang tingnan pero iba-iba naman ang oras. Tapos na ‘yung I-Shine. ‘Yung kay Manny, once a week lang ‘yon. Eh, after Show Me Da Manny, kung gusto pa nila ako, sige lang,” say ni Paolo na napatawa sa press launch ng Futbolilits.

Dalawa na ang anak ni Paolo kay EB Babe Lian Paz at sa August ang schedule na binyag ng second baby nila. Busy pa sila kaya wala pang detalye sa binyagan. Pero halatang kuntento ang aktor sa personal niyang buhay.

“Masaya eh. Never akong may itinago. ‘Pag buntis si Lian…Ay buntis siya! Wala akong kaila­ngang itago,” natatawa pa ring reaksiyon ni Paolo.

“You don’t need any wall na iharap sa mga tao, sa friends, even sa press. Kahit sinong magtanong sa akin. I think at the end of the day, sa akin, I don’t know if it works for other actors, masaya ako sa buhay.”

Hindi naman kasi siya babaero talaga ‘di ba?

“Hindi. Marami lang akong naging girlfriend. Parang never akong nabalitang naging single. Pero never na lumabas na playboy ako,” tugon ng aktor.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Lian?

“Very good! Strong. Happy! Babalik din siya sa showbiz. Waiting lang siya. Siya naman ang nagsi-set ng kanyang rules. She can do what she wants. I trust her judgment. Wala naman siyang ginagawa na dapat kong pigilan,” diin ni Paolo.

vuukle comment

BABE LIAN PAZ

FUTBOLILITS

I-SHINE

KAYA

LIAN

MAC ALEJANDRE

NAMAN

PAOLO

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with