^

PSN Showbiz

Kris ayaw nang guluhin ang buhay ni James

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kahapon ay talaga namang inabangan ng sambayanan ang pagbabalik-telebisyon ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Nakasama ni Kris si Sen. Chiz Escudero para sa pilot episode ng Kris TV. Marami ang kinilig at pati ang studio audience ay tinutukso ang dalawa sa kanilang mga biruan.

Pero kahit sanay sa TV camera, kinabahan si Kris sa kanyang pagbabalik-talk show. “Namantal talaga ’yung katawan ko. Nahirapan akong matulog kasi sabi ko, what if ’yung job na feeling nang marami, ‘this is what she’s best doing,’ what if nangalawang na?

“Kaya sabi ko, oh my God baka maging boring na ako. Ninerbiyos talaga ako pero nung unang salang pa lang nung nag-taping na ay parang hindi naman dumaan ’yung ganung kahabang panahon,” natatawang kuwento ni Kris.

May posibilidad kayang mag-guest si James Yap sa kanyang bagong show? “Part of the reason siguro why he would feel that our marriage did not work out, the lack of privacy. So, ngayon na tahimik na kami bakit pa namin paiingayin ang buhay niya? Guguluhin siya? Give him his privacy.

“Ang pinaka-importante naman, his relationship with Bimby, and they have their own time together and that’s private. Let it stay that way kasi mas okay nang hindi kami nag-aaway, nagkakairitahan sa isa’t isa. Kasi kapag healthy ’yung relationship namin, healthy ’yung relationship niya with his son and ako hindi ko ini-stress si Bimby,” paliwanag pa ng Queen of Talk.

Kahit nag-aalaga pa, pinanindigan na ang pakikipaghiwalay YAYO ayaw na talagang makipagbalikan kay William

Dumaan sa malubhang karamdaman si William Martinez dahil na-stroke ang aktor noong November 2010 at ngayon ay nakaka-recover na ito.

“I’m doing fine, therapy after therapy. Sometimes medyo nakakalungkot kasi mahirap, nasa bed lang ako at bedroom lang. Mga two more months okay na ako,” pahayag ni William.

Kahit tatlong taon nang magkahiwalay sina William at asawang si Yayo Aguila ay nakasuporta pa rin naman ito sa kanya.

“Hindi ko naman sinasabing totally ako lang ’no? Pero andun naman ako. Nagbabantay ako araw-araw sa ospital. Kasi siyempre hindi mo rin naman maaalis na kahit hiwalay kami andun pa rin ’yung bilang tatay siya ng mga anak ko.

“Ako, instinct ko lang ’yun na nandun ako. Wala pa naman talagang titingin sa kanya kung hindi kami-kami lang, pamilya pa rin naman,” pahayag naman ni Yayo.

Sa kabila ng kagandahang loob na ipinapakita ni Yayo sa asawa ay wala naman itong planong makipagbalikan sa aktor.

“Kung may chance siguro sana noong bago pa lang. Ako kasi ’yung tipo ng tao na once I decide on something, gumawa ka ng isang malaking-malaking choice sa buhay mo. Once ginawa mo ’yun, panindigan mo ’yun,” giit pa ni Yayo.                  — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BIMBY

CHIZ ESCUDERO

JAMES YAP

KAHIT

NAMAN

YAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with