^

PSN Showbiz

Isabel masaya sa stage ng 'relasyon' kay Gab

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Inamin ni Gab Valenciano na lumalabas sila ni Isabel Oli at sa tono ng mga sagot nito ay nanliligaw ito sa magandang aktres.

 “I can’t say nanliligaw yet kasi it’s too early to tell pero ito ang masasabi ko, yes, talagang I’m really getting to know her,” sagot ng dancer.

Aminado naman siyang attracted siya kay Isabel at gustung-gusto niyang makilala ito bilang tao, hindi bilang aktres.

“Actually, ever since I was in high school. But I can’t naman base it on that. So, I have to base it on the fact that we don’t really know each other. I really want to get to know not Isabel Oli but Olivia, that’s what she is,” pahayag ni Gab.

 Olivia Daytia ang tunay na pangalan ni Isabel at ang say niya, “Hindi ko rin alam kung nanliligaw siya. We’re just friends and ’yung sa stage namin ngayon happy ako.”

Hindi rin niya masasabi kung handa na ba siyang ma-in love muli.

PAK: Natawa si Rufa Mae Quinto sa intrigang papalitan na siya ni Jennylyn Mercado bilang isa sa mga hosts ng Showbiz Central.

“Kung ano man ’yung sa amin ni Jennylyn hindi naman dapat palakihin kasi iisa lang naman kami ng manager, isang Kapuso, iisa ng show na kung magkakatulungan, sanib-puwersa sa isang show eh bongga. ’Yun ang mas importante,” sagot nito.

Nilinaw nitong sa Showbiz Central, walang tatanggalin at papalitan. Malamang na madagdagan pa nga.

BOOM: Successful ang concert ni Duncan Ramos na Unleashing the Knight na ginanap sa Zirkoh, Quezon City nung isang gabi.

Ang kapansin-pansin nung gabing iyon ay ang pagdalo ni Janet Jamora, ang kakambal ni Jinkee Pacquiao na na-link sa kanya.

Inamin ni Duncan na naging sila ilang buwan lang ang nakaraan pero hindi rin nagtagal ang relasyon.

Ang maganda ay napanatili ang magandang friendship at nanood nga ang magandang twin sister ni Jinkee sa concert ni Duncan kasama ang mga kaibigan at talagang tinapos ang event.

Nahihiya itong magpa-interview nang sinalubong ng mga reporters. “Kung ano ang sinabi ni Duncan sa Startalk, ’yun na po ’yun,” tipid niyang sagot.

Hindi niya masasabi sa ngayon kung magkakabalikan ba sila.

vuukle comment

BUT I

DUNCAN

DUNCAN RAMOS

GAB VALENCIANO

INAMIN

ISABEL OLI

JANET JAMORA

JENNYLYN MERCADO

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with