^

PSN Showbiz

Jovit pinataob sina Christian, Jericho, at Piolo sa Tambayan...

- Ni Micah San Diego -

MANILA, Philippines - Sina Jovit Baldivino at Juris ang mga big winners sa katatapos lamang na Tambayan 101.9 OPM Awards 2011 sa SM City North EDSA SkyDome noong Sabado (May 28).

Dito nagsama-sama ang iba’t ibang personalidad sa industriya ng musika para parangalan ang mga musikero na sumusuporta sa Original Pinoy Music o OPM sa bansa.

Ang Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit ay hinirang na best male artist ng taon laban kina Christian Bautista, Jericho Rosales, at Piolo Pascual, pati na rin bilang best new artist.

Wagi naman bilang best female artist si Juris at ang sikat niyang awiting Di lang Ikaw naman ang napili bilang best song of the year.

Ang bandang Six Part Invention ay umani rin ng pagkilala nang manalo itong band of the year habang nagbunga naman ang matagumpay na pagbabalik sa industriya ng bandang Siakol dahil ang album nila ang napili bilang album of the year.

Samantala, si Charice naman ang nagmana sa Tambayani Award na unang ibinigay sa yumaong Master Rapper na si Francis Magalona. Ibinibigay ang award na ito sa isang musikerong malaki ang naitulong sa industriya ng musika.

Halos mabaliw ang mga babae sa kakatili nang lumabas ang bida sa Green Rose na si Jericho Ro­sales at Asia’s Pop idol Christian Bautista. Nakuha ni Jericho ang best live performance of the year, sa­mantalang nanalo naman si Christian sa kategor­yang best OPM revival ng kantang Beautiful Girl na siya niya ring kinanta.

Nanalo rin ang jingle ng Wow Magic Sing na inawit ni Charice sa kategor­yang Kantamersyal.

Damang-dama ang kapistahan sa SM City North EDSA Skydome nang rumampa ang mga DJs ng Tambayan 101.9 sa kanilang grand entrance suot ang iba’t ibang fiesta-themed costumes. Pinasaya ng mga DJ ang mga manonood nang gayahin nila ang mga kilalang personalidad sa industriya sa kanilang surprise spot number.

Nagbigay aliw naman ang mga performers na kinabibilangan nina Six Part Invention, Siakol, Itchyworms, Gloc 9, Faith Cuneta, Maldita, Frio, Ney Dimaculangan, OJ Mariano, Liezel Garcia, Mark Allain, StarPower 4 Akiko Solon, Monica Sacay, K-La Rivera, Krissel Valdes, at grand winner nito na si Angeline Quinto. Sina Francine Prieto at Jayson Gaiza, na nagbihis bilang si Tito Boy, ang nanguna bilang mga hosts ng pagpaparangal.

Ito na ang pangalawang taon ng Tambayan 101.9 OPM Awards.

                                                           

vuukle comment

AKIKO SOLON

ANG PILIPINAS GOT TALENT

ANGELINE QUINTO

BEAUTIFUL GIRL

CHRISTIAN BAUTISTA

CITY NORTH

SIX PART INVENTION

TAMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with