^

PSN Showbiz

Leviste nabisto ng Dos

-

MANILA, Philippines - Tanging sa ABS-CBN napanood ng buong bayan ang pag-aresto kay dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste na huling-huli ng XXX team na nasa labas ng pagmamay-ari niyang gusali sa Makati City sa halip na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang XXX, sa pangunguna ni Anthony Ta­berna, ang nagbigay ng eksklusibong balita noong Huwebes sa TV Patrol, ang nangunguna at mas pinagkakatiwalaang newscast ng bansa.

Eksklusibong nakunan sa video ng XXX si Le­viste. Ang balitang ito ay isa sa pinakamainit na usa­pin ngayon sa bansa at laman ng mga pahayagan, radyo, telebisyon, at Internet.

Dahil sa mapangahas na pagpapatrol ng ABS-CBN news team, nabulgar ang katiwalian sa publiko na iimbestigahan ngayon ng Department of Justice.  Pinatawag pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Bureau of Corrections director na si Ernesto Diokno para magpaliwanag.

Ngayong Lunes (May 23), alamin ang buong kuwento kung paanong tiniktikan, binantayan, at binuo ang exposé ng programa nina Anthony, Pinky Webb, at Julius Babao.

Nagsumbong sa XXX ang isang tipster noong Abril at ipinagkatiwala sa ABS-CBN ang impormasyong malayang nakakalabas si Leviste mula sa kanyang piitan.

Ito na ang nag-udyok sa programa para beripikahin ang tip at tiktikan ang kontrobersiyal na dating gobernador na nakulong matapos mapatay ang kanyang kaibigan at aid na si Rafael delas Alas noong 2007.

Ilang araw siyang tiniktikan ng XXX at hindi naman ito nabigo dahil apat na video ang kanilang nakuha para patunayan ang alegasyon.

Ang naturang mga bidyo ang iprinisentang ebidensiya kay Justice Sec. Leila De Lima na agad iniutos ang mabilisang paghuli kay Leviste.

Tunghayan ang buong report ng XXX sa maituturing na isa sa pinakamalaking exposé ng taon ngayong Lunes pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Tumutok sa TV Patrol at Bandila para sa pinaka-sariwang mga balita at at impormasyon.

vuukle comment

ANTHONY TA

BANDILA

BATANGAS GOV

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO DIOKNO

JOSE ANTONIO LEVISTE

JULIUS BABAO

JUSTICE SEC

LEILA DE LIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with