^

PSN Showbiz

Pinoy fans imbyerna kay Mosley!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Congrats kay Congressman Manny Pacquiao  dahil win siya sa laban nila kahapon ni Sugar Shane Mosley.

Sa umpisa pa lang, kitang-kita na si Manny ang mananalo, lalo na nang mapatumba niya si Mosley sa third round.

Imbyerna kay Mosley ang Pinoy fans dahil wala siyang ginawa kundi ang yakapin at itulak si Manny.

Natalo man si Mosley, winner din ito dahil sa limpak-limpak na dolyar na kanyang iuuwi.

Nakatitiyak na rin si Dionisia Pacquiao na magkakaroon siya ng mamahalin na Hermes bag dahil nanalo ang kanyang anak sa laban nito kay Mosley.

Daan-daang libo ang presyo ng Hermes bag at ito ang birthday gift na gustong matanggap ni Mommy Dionisia mula sa kanyang anak.

Milyones ang premyo ni Manny dahil tinalo niya si Mosley.

Barya lang ang presyo ng Hermes bag na hinihingi ni Mommy Dionisia sa millions of dollars na iuuwi ng kanyang anak.

Taga-Cebu inatake!

Isang matandang lalake mula sa Cebu City ang iniulat kahapon na inatake sa puso habang pinapanood ang laban nina Pacquiao at Mosley.

Sa tuwing may boxing match si Manny, madalas na may inaatake sa puso.

Masyado silang nagpapaapekto sa magkahalong tensiyon at excitement na nararamdaman. Afraid na afraid sila na matalo si Pacquiao na ma­labong mangyari dahil palaging handa sa lahat ng laban ang Pambansang Kamao.

Report Ni Gretchen Fullido

Inirereklamo ng Fans ni Sarah

May emote laban sa TV reporter na si Gretchen Fullido ang fans ni Sarah Geronimo.

Hindi raw nila nagustuhan ang report ni Gretchen sa TV Patrol tungkol kay Sarah dahil pinalabas daw ng seksing TV reporter na hurting at heartbroken pa rin ang singer-actress.

Nainterbyu ni Gretchen si Sarah sa presscon ng One Heart. Ang sey ng fans ni Sarah, na-edit nang husto ang interview kay Sarah kaya nagmukha itong heartbroken at dinadamdam pa rin ang nangyari sa relasyon nila ni Rayver Cruz.

Umaapela sa ABS-CBN management ang fans ni Sarah dahil hindi raw accurate ang report ni Gretchen.

Nagpadala sila ng mga e-mail sa ABS-CBN at sa mga entertainment writer para maibulalas ang kanilang pagkadismaya.

Sa true lang, walang-wala sa face ni Sarah na hurting pa rin siya kay Rayver nang magkita at mag-usap kami sa One Heart presscon.

Tawa nga siya nang tawa ‘ha?

GMA 7 maraming plano kay Kylie

Dalawa ang presscon ng GMA 7, ang farewell presscon ng Alakdana at ang presscon ng Blusang Itim.

Ang Blusang Itim ang papalit sa mababakanteng timeslot ng Alakdana na magwawakas sa darating na Biyernes.

Ang Blusang Itim ang biggest TV break ni Kylie Padilla.

Naniniwala ang GMA 7 na magiging big star si Kylie kaya magaganda ang career plans nila para sa anak ni Robin Padilla.

Pareho ng kapalaran sina Kylie at Louise delos Reyes, ang lead star ng Alakdana. Nabigyan agad si Louise ng solo project kaya tumatanaw siya ng mala­king utang na loob sa Kapuso network.

Nagsimula sa ABC5 ang acting career ni Louise pero bumongga ito nang husto sa GMA 7.

vuukle comment

ALAKDANA

ANG BLUSANG ITIM

BLUSANG ITIM

CEBU CITY

DAHIL

GRETCHEN

MOMMY DIONISIA

MOSLEY

ONE HEART

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with