^

PSN Showbiz

Marvin todo-kayod para sa kambal na anak na mahilig sa golf

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ipinatanong ni Aiko Melendez sa isang kaibigan niya na reporter kung may something ako against her dahil magaganda ang mga isinusulat ko tungkol kay Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque.

Walang reason para magalit ako kay Aiko at hindi naman mortal sin kung purihin ko si Papa Enrico dahil magkaibigan kami at mabait siya sa akin.

Nagmalisya at naging sensitive lang siguro si Aiko dahil sa libel case na isinampa laban sa kanya ni Papa Enrico.

Nagdemanda ang mayor dahil biktima sila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses ng paninira sa mga e-mails na ipinadala sa mga reporters. Matalik na magkaibigan ang dalawa at ginawan ito ng isyu ng mga detractors nila.

* * *

Napakasuwerte ng mga broadcast journa­lists dahil nabigyan sila ng chance na lumipad sa Europe para sa coverage ng royal wedding nina Prince William at Kate Middleton at sa beatification ni Blessed John Paul II.

Napanood ko kasi kahapon sa TV ang live coverage nina Jessica Soho at Mama Korina Sanchez sa beatification sa yumaong Papa na dalawang beses na dumalaw sa ating bansa.

Inggit na inggit ako sa dalawa habang nagre-report sila mula sa St. Peter’s Square, Vatican City.

Hindi nagpatalbog sa ABS-CBN at GMA 7 ang TV5 dahil si Cheri Mercado naman ang ipinadala sa Rome ng Kapatid Network.

* * *

Manghang-mangha ako sa vial na naglalaman ng dugo ni Blessed John Paul. Relic ang tawag sa dugo ni Blessed John Paul na nakalagay sa vial na binitbit ng madre na gumaling ang Parkinsons disease dahil pinagmilagruhan niya.

Nakakakilabot ang eksena na ipinakita sa TV dahil sa alaala mula sa kanyang physical body na naiwan ni Blessed John Paul.

* * *

May nagkuwento sa akin na tinalakan ng mga fans ko ang impostor na nagpapanggap na ako sa Twitter na may account name na totoong_ina. Fans ko raw o!

Anyway, binubura raw ng impostora ang mga talak sa kanya. Hurt siguro ang hitad dahil buking ang kanyang modus operandi.

Nanghaharbat siya sa mga artista sa pa­ma­­magitan ng Twitter at paggamit sa name ko. Wala nang maniniwala sa mga mapanirang tweet ni totoong_ina mula nang i-announce ko sa Startalk noong Sabado na wala akong Twitter o Facebook account.

* * *

Ang bilis talaga ng panahon. Turning six years old na pala sa August ang kambal na anak ni Marvin Agustin.

Parang kailan lang nang pumutok ang balita na tatay na si Marvin at ngayon, malalaki na ang mga bagets na expert sa paglalaro ng golf. Magastos ang sports na kinahihiligan ng kambal kaya nagbiro si Marvin na todo-kayod siya sa trabaho para sa kanyang mga anak.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

BLESSED JOHN PAUL

BULACAN MAYOR

CHERI MERCADO

DAHIL

PAPA ENRICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with