^

PSN Showbiz

Dahil sa hatian ng pera actress binantaang papatayin ng kapatid

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Ngayong araw magri-resume ang shooting ng Temptation Island sa Ilocos Norte.

Tuwang-tuwa ang production staff ng naturang pelikula dahil very cooperative ang mga artista kahit hirap sila sa sobrang init sa lugar na pinagsu-syutingan nila.

Bilib sila sa isa sa leading men na si Mikael Daez dahil mag-isa lang daw ito sa shooting at keri daw nitong magtrabahong mag-isa na walang umaalalay sa kanya.

Naawa nga raw ang ibang artista dahil wala itong PA, pero okay lang daw ito kay Mikael dahil kaya naman daw niya iyun.

Wala itong karekla-reklamo dahil gusto niya ang ginagawa at magandang break ito sa kanya.

Ang isa pang proud si Mikael ay ang bagong programa nito sa GMA News TV na World Premiere na nagsimula na nung nakaraang Linggo.

Kakaibang travel show ito na naka-focus sa film, culture and arts ng isang bansa.

Sa unang episode nila noong Linggo, na-feature nila ang Mar del Plata International Film Festival sa Argentina kung saan entry doon ang pelikulang Chassis ni Direk Adolf Alix.

Co-host ni Mikael sa programa si Binibining Pilipinas Universe Lia Andrea Ramos.

Mapapanood ang World Premiere tuwing Linggo, 11:00-11:30 ng gabi sa GMA News TV.

PAK : Totoo kaya ang nakarating sa amin na kuwentong tumitindi na ang problema nitong actress at radio personality na rin sa kanyang mga kapatid dahil sa hatian ng pera?

Ibinebenta na raw ngayon ni aktres ang bahay nila dahil masyado na itong malaki sa kanila at hindi naman sila nagkakasamang magkakapatid.

Wala pa naman daw bumibili ng bahay pero gusto na raw kunin ng mga kapatid niya ang share nila sa bahay at ito raw ang madalas nilang pinag-aawayan.

Totoo kayang sa tindi ng away nito sa mga kapatid ay umabot na sa death threat?

BOOM : Bukas ay balak ni Aiko Melendez na mag-out of town para makapagbakasyon na rin muna at mapalayo sandali sa intrigang kinasasangkutan nito sa ngayon.      

Ayaw pa rin niyang magkomento tungkol sa isyu nila ni Mayor Patrick Meneses na kanyang ex-BF. Pero nalulungkot daw siya at bakit umabot pa sa ganun.

Baka umabot pa ito sa demandahan kaya naghihintay lang daw si Aiko ng tamang panahon para magsalita at magbigay ng statement kaugnay sa gulong ito.

vuukle comment

ADOLF ALIX

AIKO MELENDEZ

BINIBINING PILIPINAS UNIVERSE

DAHIL

DAW

ILOCOS NORTE

LINGGO

MIKAEL

WORLD PREMIERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with