^

PSN Showbiz

Sa pagpasok ni Iza show ni Regine gagawan ng magic

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mabilis na kumalat ang balita noong isang gabi na si Iza Calzado ang papalit kay Regine Velasquez bilang bida sa I Heart U Pare.

Papalitan ni Iza si Regine dahil sa mga health issue nito. May mga nagsasabi na may kinalaman sa pagbubuntis ni Regine ang biglang pagkawala niya sa kanyang primetime show pero mas makabubuti na hintayin natin ang official announcement nila ni Ogie Alcasid.

Kung ako ang tatanungin, bagay si Iza sa I Heart U Pare. Naranasan na noon ni Iza na gumanap na bading na naging ganap na babae kaya madali para sa kanya ang gampanan ang role ng isang tunay na babae na nagpapanggap na mhin.

Mahuhusay ang mga writer ng GMA 7. Tiyak na makakagawa sila ng paraan na ma-justify sa biglang pag-exit ni Regine sa show nito at sa pagpasok ni Iza.

Nangyari na ‘yan noon sa Tinik Sa Dibdib nang palitan ni Nadine Samonte si Sunshine Dizon. Nakaisip agad ang mga writer ng twist para makapasok sa eksena si Nadine dahil hindi na sumipot sa taping si Sunshine.

Kapag nag-umpisa si Iza sa I Heart U Pare, mapapanood na siya sa TV mula Lunes hanggang Sabado.

Siya ang kapareha ni Cesar Montano sa sitcom na Andres de Saya na mapapanood tuwing Sababod na mag-uumpisa bago matapos ang Abril.

Anak nina Lotlot at Ramon Christopher ‘di pa sure sa Miss World

Totoo ang balita na may mga offer ang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na sumali sa Miss World Philippines.

Potential beauty queen ang bagets pero hindi sure kung interesado ito na mag-join sa beauty contest dahil mahiyain siya.

Nag-aaral sa isang prestigious school ang bata at kaka-graduate lang niya.

Sa totoo lang, magaganda ang lahat ng mga anak nina Lotlot at Monching pero hindi yata sila interesado na pumasok sa showbiz.

Potential beauty queen din ang pinsan ng mga bagets na anak naman nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. Ewan ko lang kung papayag sina Ricky at Jackie na sumali sa beauty contest o mag-artista ang kanilang anak na maganda ang mukha at matangkad.

Mga anak nina Boyet at Sandy iisa lang ang may interes sa showbiz

Pang-beauty queen din si Mariel, ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon pero wala siya ngayon sa Pilipinas.

Nag-aaral si Mariel sa New Zealand at takaw-pansin siya dahil din sa kanyang magandang mukha at height.

Sa mga anak nina Boyet at Sandy, isa lang yata ang may gusto na pumasok sa showbiz, si Gabriel na carbon copy ni Boyet.

Kakabugin...

Sa susunod na Sabado at hindi pa ngayon ang airing ng Amazing Cooking Kids, ang bagong reality show ng GMA 7 para sa mga bagets na mahusay magluto.

Inaabangan na pala ang Amazing Cooking Kids dahil marami sa mga Pinoy ang interesado na mapanood ang mga bata na nagluluto ng masasarap na pagkain.

Kakabugin ng mga bagets ang matatanda dahil carry nila na magluto ng mahihirap na putahe keseho­dang mga bagets pa lamang sila.

vuukle comment

AMAZING COOKING KIDS

ANAK

BOYET

CESAR MONTANO

I HEART U PARE

IZA

IZA CALZADO

LOTLOT

RAMON CHRISTOPHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with