^

PSN Showbiz

KC sobrang mami-miss uli si Piolo

- Veronica R. Samio -

Tahimik lang si Piolo Pascual pero nakatakda itong gumawa ng isang pelikula sa US, kukunan sa New York at Los Angeles sa buwang ito ng Abril. Isa itong all-English film na kung saan hindi lamang isa ang makakapareha niya kundi marami.

Wala pang gaanong detalye ang pelikula at wala pang masabi ang aktor na kagagaling lamang sa kanyang matagumpay na concert series sa bansa ng mga Amerikano dahil nakatakda pa lamang siyang makipag-usap sa mga gagawa ng pelikula anumang araw ngayon.

Kung sakali, muli na namang mami-miss ni KC Concepcion ang kanyang boyfriend na inamin niyang ngayon lamang mahihiwalay ng matagal-tagal. Nung sinabi niya noon na welcome sa kanila ni Piolo ang hindi magkita madalas para mas mapalalim pa ang kanilang relasyon, hindi niya expected na aabot ng mahigit isang buwan ang hindi nila pagkikita. She missed him so much when he was away for the longest time. Ngayong magsu-shoot na naman ito ng movie sa US, nakatakda na naman siyang iwan nito.

* * *

Kung sa magkapatid na James at Phil Young­husband ay welcome ang pag-aartista hindi sa ibang kasamahan nila sa grupong Philippine Azkals. Tulad ni Neil Etheridge, isang Fil-Briton na isang mahusay na goalkeeper at sikat sa England pero nagpasyang subukin ang kanyang suwerte sa bansang itinuturing niyang pangalawang tahanan. Hindi naman tahasang tinatanggihan ni Neil ang showbiz, pero sinabi niyang ang prayoridad niya sa ngayon ay football.

vuukle comment

ABRIL

AMERIKANO

CONCEPCION

FIL-BRITON

LOS ANGELES

NEIL ETHERIDGE

NEW YORK

PHIL YOUNG

PHILIPPINE AZKALS

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with