^

PSN Showbiz

Solenn pinapaboran ng GMA 7

- Veronica R. Samio -

Mukhang nauungusan na ni Solenn Heussaff ang ibang kasabayan niya sa GMA7. In fact mas marami sa kanila na nauna nang lumabas sa Kapuso Network ang napag-iiwanan na niya.

Pero mukha namang walang palakasan na nangyayari sa mabilis na pag-usad ng da­ting Survivor Castaway. Solenn is doing it by herself, via her various talents. Bukod kasi sa pagiging maganda at sexy, kumakanta rin siya at magaling mag-host. Kaya nga binigyan siya ng sarili niyang lifestyle program, ang Fashbook na nagsimula nang mapanood kahapon. Isa itong beauty, fashion, and makeover show na ipinamalas ni Solenn na kayang-kaya niyang i-handle.

Bagaman at wala pang kumpirmasyon sa kung sila na nga o hindi pa ni Richard Gutierrez, wala namang naririnig na pagtutol sa kani-kanilang mga fans kung sakali mang maging sila na. Patuloy pa ring nakikita ito na may kasamang iba-ibang lalaki bukod kay Richard pero lahat nito ay sinasabi niyang wala siyang romantic attachment at udyok lamang ang kanilang mga trabaho.

* * *

Mukhang magandang impluwensiya ang La Diva. Unti-unti nang nadaragdagan ang bilang ng mga nabubuong musical trio. Ang maganda, walang itulak kabigin sa kanila.

Kung pambato ng GMA7 ang La Diva na binubuo ng tatlong babaeng nagkampeon sa mga itinaguyod nilang singing contest, winner din ng Talentadong Pinoy sa TV5 at isa sa mga grand finalist sa gaga­wing final showdown ng nasabing popular talent show sa March 12 & 13 ang The New Born Divas. Manalo man o matalo sa grand finals ang tatlo, magsisilbi na silang flag bearers ng network at kumakabog na ngayon sa pambatong trio ng Siyete.

Binuo naman ng Philippine Opera Company ang triyong Opera Belles. Pero ‘di tulad ng La Diva at The New Born Divas na unang sumabak sa mga singing contests, recording ang unang sinabakan ng Opera Belles. May ginawa silang debut album sa Sony Music na siyang magpapakilala sa kanila sa publiko.

* * *

Talagang pinangatawanan ni Jackie Rice ang kanyang swimming lessons dahil ayaw niyang bitawan ang project niyang Sisid, isang serye ng GMA7 na kung saan ay bida siya at mabait ang kanyang role.

 ‘Di tulad ng mga nakaraan niyang projects na kontrabida siya at salbahe, sinabi ng magandang winner ng StarStruck na gugulatin niya ang mga TV viewers with her new role.

“Sanay na silang makitang bad ako, this time good girl ako. Hindi naman ako mahihirapang ma­ging good dahil hindi na ako totoong bad girl in real life,” sabi ng young actress na nagmalaking pwede na rin siyang maging sirena sa susunod niyang project sa galing niyang sumisid.

* * *

Talagang mahal ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez. ‘Yung church wedding nila ay pagbibigay lang niya sa kagustuhan ng pamilya ng kanyang asawa na makita si Mariel na ikinakasal sa simbahan. Mga Katoliko sila at ito ang nakalakihan at nakasanayan nilang tradisyon.

Ngayon lamang nakikita ni Mariel ang kagalingan ng kanyang asawa na nung mapangasawa niya, ang akala niya ay isang sikat na action star lamang. Nang ginawa na nila ang kanilang unang pelikula na magkasama, saka lamang niya na-realize ang maraming talent nito.

JACKIE RICE

KAPUSO NETWORK

LA DIVA

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

MGA KATOLIKO

NEW BORN DIVAS

NIYANG

OPERA BELLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with