Diether walang planong seryosohin si Kris
Isa sa mga naging dahilan ng break up nina Diether Ocampo at Rima Ostwani noong isang taon ay ang pagiging hectic ng schedule ng aktor sa showbiz. Kamakailan naman ay pinasok na rin ni Rima ang pag-aartista at ngayon ay kasama na siya ni Jolo Revilla sa Agimat Presents Kapitan Inggo.
May potensiyal naman ang dalaga at marami rin ang nakapapansin sa kanyang acting skills. Hiningian namin ng reaksiyon si Diether sa pagsabak na rin sa showbiz ng kanyang ex-girlfriend.
“I would like to congratulate her and welcome her, somehow makaka-relate na siya kasi hindi niya ako naiintindihan dati eh. Siguro ngayon naiintindihan niya kung gaano kahirap ’yung trabaho natin, na hindi natin hawak ’yung oras natin. Minsan piling-pili lang ’yung puwede mong gawin, kaya ’yung oras mo mama-maximize mo ng husto.
“I am very happy that she’s doing well,” seryosong pahayag ni Diether.
Ayon pa sa binata, okay lamang sa kanya kung sakaling magkakasama sila ni Rima sa mga projects. Ang tanong, okay lang kaya sa dalaga na magkasama sila ni Diether?
“There’s no problem bumping into each other. As I said it was really an amicable separation. Everything’s okay,” nakangiting sagot naman ni Rima.
Samantala, ang isa pang isyu na kinakaharap ni Diether ngayon ay ang pagkaka-link niya kay Kris Aquino na ang balita ay more than friends na ang kanilang relasyon.
“Best friend ko ’yan, si Besty nga ang tawag ko diyan. I am very comfortable na we have been communicating since we parted ways. She had her own thing, I had my own thing. It just so happens na I’m single and she’s single and we’re both not yet ready getting into serious relationship.
“Hopefully makagawa kami ng pelikula ulit or teleserye. This time around I am happy na nag-level up na ’yung aming friendship, that’s why I am very very happy,” kuwento pa ni Diether.
Cristine ‘Satisfied’ Kay Rayver
Nahaharap man ngayon sa matinding intriga sina Rayver Cruz at Cristine Reyes, aminado naman ang aktres na masayang-masaya sila ng binata sa kanilang relasyon. Ramdam na ramdam ni Cristine ang pagmamahal sa kanya ng binata. Very special ang regalong ibinigay ng aktor sa girlfriend last Valentine’s Day.
Si Cristine naman ay iba ang regalo.
“Gift ko sa kanya, pagmamahal, wala akong gift pero siya may gift sa akin. Kasi mahilig ako sa shoes so binigyan niya ako ng shoes ’tapos bouquet of roses,” sabi ng aktres.
Sobrang satisfied si Cristine sa pagmamahal na ibinibigay at ipinapakita sa kanya ng boyfriend dahil hindi lamang siya ang mahal ni Rayver kundi ang buong pamilya at mga kaibigan niya. Reports from JAMES CANTOS
- Latest




















