^

PSN Showbiz

Kapamilya tuluyan nang tinalikuran ni Charice

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Darating bukas si Charice sa Pilipinas dahil matutuloy na ang taping ng kanyang TV special sa GMA 7.

Hectic ang schedule ni Charice dahil bukas din ang schedule ng kanyang rehearsal at mga interbyu para sa mga show ng GMA 7. Sa Lunes naman ang taping ng TV special na naudlot noong December dahil nagkasakit siya.

Marami ang nagulat nang pumutok ang balita na magkakaroon si Charice ng TV special sa Kapuso network dahil nagsimula sa ABS-CBN ang kanyang singing career. Nangangahulugan lamang ito na wala nang kontrata si Charice sa Kapamilya network kaya puwede na siyang umapir sa mga show ng GMA 7.

Malamang na maging Valentine special ng GMA 7 ang show ni Charice.

Hindi na puwedeng Home for Christmas ang pamagat ng TV special dahil matagal nang tapos ang Pasko.

Kaya maghihiwalay na propesyon ng aktres hindi maintindihan ng non-showbiz BF

Nalungkot ako nang mabalitaan ko na may problema sa relasyon ng aktres at ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayokong magtanong sa aktres dahil baka hindi pa siya handa na magkuwento pero nakapanghihinayang kung mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng kanyang boyfriend.

Imposibleng hindi naiintindihan ng mhin ang propesyon ng aktres dahil mga artista ang kanyang mga kaibigan. More or less, alam niya ang mga nangyayari sa mundo ng showbiz.

Ang maayos ang problema ng dalawa ang wish ko dahil nababaitan ako sa aktres na disente, matalino, at mapagmahal na anak. I should know dahil matagal kaming nagkasama sa work!

Dr. Belo ginagamit ng mga real estate agents para makabenta ng condo

Huwag paniwalaan ang mga press release ng mga ahente na kliyente nila si Dra. Vicki Belo.

Nilinaw ni Mama Vicki na hindi totoo na bumili siya ng unit sa Versace Home o Centuria Medical sa Makati. Walang katotohanan ang claim ng mga real estate agent dahil ginagamit lamang nila ang name ni Dra. Belo para makabenta ng units.

May mga ahente ng real estate na mahilig mag-name drop ng pangalan ng mga celebrity dahil para makaengganyo ng mga kostumer. Hindi dapat paniwalaan ang mga ganyang klase ng modus operandi.

Marian at Lara rumampa sa Navotas

Star-studded ang 105th founding anniversary celebration ng Navotas City dahil mga kilalang artista ang inimbitahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco.

Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin sa Navotas dahil nakisaya sa kanila sina Marian Rivera, Lara Quigaman, Rachel Alejandro, Jillian Ward, Geneva Cruz, Jovit Baldovino, at Ely Buendia.

Si John Rey ang bagong halal na mayor ng Navotas at ipinagpatuloy niya ang tradisyon na inumpisahan ng kanyang kapatid na si Papa Toby Tiangco na congressman na ngayon.

Hindi lamang ang mga artista ang nag-entertain sa foundation day ng Navotas na may theme na Navotas, Itaas ang Antas ng Buhay ng Navoteño dahil nagkaroon din ng fireworks display, engrandeng parada, street performers, mascots, clowns, at jugglers.

Si Marian ang kasama ni Papa John Rey sa motorcade na pinagkaguluhan ng mga tao dahil first time nila na na-sight nang personal si Marian. Si Lara naman ang ka-join ni Papa Toby.

Malaki ang iniunlad ng Navotas mula nang manungkulan ang Tiangco brothers kaya love na love sila ng mga Navoteño.

vuukle comment

CENTURIA MEDICAL

CHARICE

DAHIL

DR. BELO

DRA

ELY BUENDIA

GENEVA CRUZ

NAVOTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with