^

PSN Showbiz

Marian seryoso sa paghahanap ng bagong makakapareha

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Baka magkita kami ni AiAi delas Alas bukas pero depende iyon kung maaga siyang darating sa aming meeting place dahil ayoko nga na napupuyat ako.

Isa lang ang itatanong ko kay AiAi, ang balita na nililigawan siya ng direktor na si GB Sampedro na dating special someone ni Candy Pangilinan.

Marami nang sightings sa dalawa kaya tanging si AiAi ang makapagbibi­gay-linaw sa mga bagong isyu tungkol sa kanyang love life.

Naloka naman ako sa video na ipinakita kahapon sa Showbiz Central, ang video habang inooperahan sa mata si Marian Rivera.

Parang ako ang nasasaktan habang inooperahan sa mata si Marian. Nag-decide si Marian na ipaopera ang kanyang mata habang hindi pa siya busy sa taping ng Amaya.

Ang Amaya ang primetime show ni Marian sa GMA 7. Hindi na nagsisimula ang taping dahil naghahanap pa sila ng baguhang aktor na makakapareha ni Marian. May say si Marian sa kanyang magiging leading man kaya palagi siyang present sa audition.

Iba na pala ang location ng taping ng Amaya. Hindi na sa malayong lugar at good news ito sa cast dahil hindi na sila mapapagod sa biyahe, malaki pa ang matitipid nila sa oras.

* * *

Nagkita at nagkabati na kahapon sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez sa backstage ng Party Pilipinas.

Walang drama ang eksena dahil humalik si Heart kay Raymond, ngumiti ito at sign ’yon na tapos na ang kanilang gap.

Nakunan ng TV camera ang eksena at kitang-kita sa video na si Heart ang unang lumapit at bumeso kay Raymond.

* * *

Birthday nina Raymond at Richard Gutierrez noong Biyernes. Hindi nagkaroon ng showbiz party ang kambal pero bibigyan ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc. ng birthday presscon ang lead star ng My Valentine Girls.

Hindi ko muna sasabihin ang venue at petsa ng birthday presscon para kay Richard para hindi ito dagsain ng mga gate crashers.

* * *

Sa wakas, nagkausap na kami ni Congressman Mikey Arroyo pero off the record ang aming kuwentuhan nang tawagan niya ako sa telepono noong isang araw.

Nagpalit kasi ng phone number si Papa Mikey kaya matagal kaming nawalan ng communication simula pa noong early part ng 2010. Busy si Papa Mikey sa kongreso dahil siya ang representative ng party list ng Ang Galing Pinoy.

* * *

Huwag ninyong kalimutan na dalawang mga bagong shows ng GMA 7 ang magsisimula ngayon, ang Alakdana at Machete.

Ang Alakdana ang afternoon show ng Kapuso Network at pang-primetime naman ang Machete. Bida sa Alakdana si Louise delos Reyes at si Aljur Abrenica sa Machete.

vuukle comment

ALAKDANA

ALJUR ABRENICA

AMAYA

ANG ALAKDANA

ANG AMAYA

ANG GALING PINOY

CANDY PANGILINAN

PAPA MIKEY

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with