^

PSN Showbiz

Kinukulit Aiai Delas alas kinukuha ng TV5

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nagulat si Kylie Padilla nang tanungin namin ang kumalat na isyung buntis na si Mariel Rodriguez.

Hindi pa nasasabi sa kanila ng Papa (Robin Padilla) niya pero tingin niya ay hindi pa. May mga ilang reporters namang nagtanong kay Mariel at itinanggi ito ng TV host-actress.

Sabi naman ni Kylie na kung sakaling buntis nga ang Tita Mariel nila, matutuwa silang magkakapatid dahil gusto naman nilang magkaroon ng bagong kapatid.

 “Matutuwa po si Papa kung may bagong baby na ito,” say ng magandang dalaga ni Robin.

Kasali si Kylie sa bagong telefantasya ng GMA Telebabad na Dwarfina, at bale ito ang una niyang project pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa GMA 7.

Sa Lunes na magsisimula ang Dwarfina pagkatapos ng Jillian: Namamasko Po! kapalit ng Grazilda.

TANONG : Totoo kayang nililigawan ni Willie Revillame si AiAi delas Alas na maging co-host niya sa Willing-Willie?

Ilang beses na umanong tini-text ni Willie si AiAi pero hindi pa nakakapag-decide ang comedy concert queen, kahit very tempting ang offer sa kanya.

Lalong bumongga ang career ni AiAi pagkatapos mag-hit ang huling serye ng kanyang Tanging Ina at maghakot ng mga awards ang pelikula sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Kaya malamang na hindi rin siya pakakawalan ng ABS-CBN.

Kung sakaling papatulan ni AiAi ang alok ni Willie, paano naman si Shalani Soledad?

TOTOO KAYANG malaki ang nalugi kay Jay Manalo sa unang indie movie na pinrodyus nito na pinagbidahan ni Rosanna Roces?

Ito ’yung Karera na ipinalabas sa ilang sinehan nung bago mag-MMFF. May isang sinehan na pinagpalabasan nito ng dalawang araw na walang kinita. As in walang pumasok na manonood sa loob ng dalawang araw na screening.

Sa isang linggong showing nito, mahigit 100 thousand pesos lang ang kinita, kaya luging-lugi ang producer at abonado pa sa rental ng projector.

TSIKA LANG : Ngayon na magtatapos ang Grazilda ni Glaiza de Castro ay kaabang-abang ang ending nito.

Malaki ang nabago sa buhay ni Glaiza dahil sa Grazilda kaya malaki ang pasasalamat nito sa GMA 7.

vuukle comment

DWARFINA

GLAIZA

GRAZILDA

JAY MANALO

KYLIE PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAMASKO PO

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with