^

PSN Showbiz

AiAi pinatulan ni Sec. Lacierda

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pinatulan talaga ni Secretary Edwin Lacierda ang intriga na nanalo si AiAi delas Alas ng best actress award sa Metro Manila Film Festival dahil sa friendship nila ni Kris Aquino.

Ang sey ni Papa Edwin, hindi totoo ang tsismis. Kahit hindi nag-deny si Papa Edwin, walang maniniwala na nag-win si AiAi dahil sa influence ni Kris.

Paano mangyayari yon eh si Kris pa nga ang nag-dialogue kay AiAi ng “Asa ka pa?”

Mabuti na lang, dininig ng Diyos ang mga dasal ni AiAi kaya hindi siya na-discourage sa mga siney ng kanyang friendship. May friendship pala na ganoon?

Alam ng mga nakapanood sa awards night ang linya ni Kris dahil sinabi ito ni AiAi sa kanyang acceptance speech.

Kung nanalo si AiAi ng best actress trophy, dahil yon sa kanyang acting ta­lent at hindi dahil kiyems-kiyems na friends sila ng presidential sister.

Enzo pinaligaya ang fans

Happy si Enzo Pineda dahil napasaya niya ang kanyang mga tagahanga sa fans day na idinaos noong Huwebes sa Max’s Restaurant sa Quezon City Memorial Circle.

Double happiness ang na-feel ni Enzo dahil si Sarah Lahbati ang special guest sa kanyang fans day.

Kinilig-kilig ang fans ni Enzo dahil type nila si Sarah para maging loveteam ng kanilang idol.

Sure ako na one year na magkasama sina Enzo at Sarah dahil sila ang magka-bonding kagabi sa New Year countdown ng GMA 7 sa Mall of Asia concert grounds.

Sinabi ni nadia na hindi na magsasalita, hindi natupad

Totoo ang tsismis na nagharap at nag-usap kami nina Nadia Montenegro at Mark Herras noong Martes kaya on-hold ang aking mga pasabog laban kay Nadia. On-hold daw o!

At dahil ceasefire na kami nina Nadia at Mark, guest sila ngayong hapon sa Startalk para pag-usapan ang aming reconciliation ek.

Hindi natupad ang sinabi ni Nadia sa Showbiz Central noong Linggo na wah na siya talk dahil magsasalita uli siya ngayon sa Startalk, right infront of me.

Dwarfina papalitan ang christmasserye

Malapit nang mag-goodbye sa TV ang Christmaser­ye ni Jillian Ward dahil hindi na ito Christmaserye kapag na-extend pa.

Ang Dwarfina ang papalit sa timeslot na mababakante ng Namamasko Po!

Si Heart Evangelista si Dwarfina at si Dennis Trillo ang kanyang leading man.

Ewan ko lang kung crush pa rin ni Dennis si Heart dahil getting stronger ang love affair nila ni Jennylyn Mercado.

ANG DWARFINA

DAHIL

DENNIS TRILLO

DWARFINA

ENZO

ENZO PINEDA

JENNYLYN MERCADO

NADIA

PAPA EDWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with