^

PSN Showbiz

Dahil sa pintas ni Sen. Miriam, Shalani nag-hire na ng stylist

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

“I collapsed due to exhaustion & dieting. Doctors advise is simple : 8-hours sleep, daily vitamins, coffee only upon waking up, regular exercise” ang paliwanag ni Ruffa Gutierrez sa pagkahimatay niya sa kanyang bahay noong Huwebes.

Tama ang suspetsa na may kinalaman ang pagpapayat ni Ruffa kaya nawalan ito ng malay.

Lesson para sa lahat ng mga mahilig mag-diet ang nangyari kay Ruffa. Huwag gutumin o pagurin ang sarili dahil lahat ng bagay na sobra eh masama sa katawan.

Lumabas na si Ruffa sa ospital pero nakaka-worry ang nangyari sa kanya. Paano kung tumama sa matigas na bagay ang ulo niya nang mag-collapse siya? Masuwerte si Ruffa dahil nabukulan lamang ito at nakita agad siya ng kanyang dalawang anak.Ang mga bagets ang humingi ng tulong sa mga kasamahan nila sa bahay.

Payat na payat si Ruffa in person kaya hindi na niya kailangan na magbawas pa ng timbang. Bagay naman sa taas niya ang kanyang katawan.

*    *    *

Hindi ako nanood ng concert ni AiAi delas Alas sa Araneta Coliseum noong Linggo pero dahil kilalang-kilala ko siya, alam ko na napaluha ang hitad sa kanyang post-birthday concert.

Napuno ng mga tao ang Araneta Coliseum at bow sila sa husay ni AiAi na magpatawa. Mahirap ang maging comedienne dahil mas madali ang magpaiyak ng tao kesa magpatawa.

Touched na touched ang Comedy Concert Queen dahil nanood ang lahat ng kanyang mga inimbitahan, ang mga tao na may malaking bahagi sa buhay niya. Puwedeng-puwede na magkaroon ng repeat ang Akin Ang Tronong ‘To dahil sa tagumpay nito.

*    *    *

Dadalhin ni AiAi sa Amerika ang kanyang birthday concert. Kasado na ang pagpunta niya sa US of A at si Ana Puno ang produ ng show.

Hit na hit sa mga Pinoy community sa Amerika ang mga show ni AiAi dahil sulit na sulit ang kanilang ibinabayad.

Natupad ang birthday wish ni AiAi namaging successful ang concert niya sa Araneta Coliseum kaya ang success ng kanyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival ang ipinagdarasal niya ngayon.

*    *    *

Nag-eenjoy si Shalani Soledad sa hosting job niya sa Willing Willie. In fairness to my new alaga, malaki na ang kanyang improvement bilang host dahil pina­kikinggan niya ang mga suggestion at welcome sa kanya ang mga cons­tructive criticism.

Nang punahin ang fashion taste ni Shalani, nag-hire siya ng fashion stylist. Kita n’yo naman, bagay na bagay kay Shalani ang mga damit na isinusuot niya ngayon. May energy na rin ang kanyang pagsasalita dahil na-challenge siya sa komento ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Hindi lamang ang mga ordinaryong tao ang mga tagahanga ni Shalani. Pati ang mga pulitiko, inaabangan siya.

vuukle comment

AKIN ANG TRONONG

AMERIKA

ARANETA COLISEUM

DAHIL

KANYANG

NIYA

RUFFA

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with