^

PSN Showbiz

Actress apat na buwang buntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Buntis ang isang aktres na hindi na active sa showbiz. Apat na buwan na ang baby sa kanyang tiyan pero wala nang dyowa ang aktres dahil iniwan siya ng mhin.

Nagpapanggap na matapang ang aktres. Can afford daw siya na buhayin ang bagets, kesehodang iniwan siya ng ama ng kanyang magiging anak. Nagpapanggap ang aktres dahil malungkot ang nangyari sa buhay niya.

Umaasa siya na pakakasalan siya ng mhin at forever and ever ang kanilang relasyon.

Maraming tao na niloko ang aktres. Ayokong isipin na Karma Chameleon ang nararanasan niya ngayon dahil nang-agrabyado siya ng kapwa.

Ewan ko lang kung marunong magsisi ang aktres na tago ang kamalditahan.

Pacman hindi pamilyar sa mga pelikula ni Will Ferrell

Ayoko nang seryosohin ang mga isyu na hindi naka-focus si Manny Pacquiao sa training para sa laban nila ni Antonio Margarito.

Sa tuwing may laban si Pacquiao, paulit-ulit ang mga reklamo na marami siyang activities, band rehearsals, TV guestings at kung anik-anik pa pero ang ending, win pa rin siya.

Alam nating lahat na mahilig kumanta si Pacquiao. Malay naman natin kung ang mga TV guesting at mga personal appearance ang therapy niya para mawala ang kanyang stress sa boxing training.

Malaki na ang nabawas sa timbang ni Pacquiao mula nang magsimula ang kanyang ensayo. Humpak na humpak na ang pisngi niya nang umapir siya sa show ni Jimmy Kimmel.

Ipinalabas sa mga news program sa Pilipinas ang guesting ni Manny sa sikat na US show. Kitang-kita ang kakaibang excitement sa mukha ni Manny habang kumakanta sila ni Will Ferrell.

Sa kasamaang-palad, hindi pamilyar si Manny sa mga pelikula ng sikat na American comedian.

Maja runner sa Thelma

Thelma ang title ng indie movie na pinagbibidahan ni Maja Salvador at mula sa direksiyon ni Paul Soriano. Pamilyar na pamilyar ang mga taga-showbiz kay Paul dahil siya ang boyfriend ni Toni Gonzaga.

May special participation sa Thelma si Elma Muros na napapanood pa rin sa Survivor Philippines. Ang feeling ko, runner ang role ni Maja sa Thelma kaya kasama sa cast ng pelikula si Elma.

Galit ng fans ni Marian may part 2, pangalan ni Vivian pinaiingay

May part 2 ang galit ng fans ni Marian Rivera kay Vivian Velez at nalaman ko ito dahil sa e-mail na ipinadala nila sa akin, isang e-mail na punumpuno ng galit, pang-aalipusta at pag-e-emote laban sa Original Miss Body Beautiful.

Hindi matanggap ng fans ni Marian ang mga bagong statement ni Vivian tungkol sa kanilang idol.

Nagsalita raw uli si Vivian na may karapatan siya na mag-comment tungkol sa acting ni Marian sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil pelikula niya ‘yon.

Na-hurt na naman ang mga supporter ni Marian kaya inaaway nila si Vivian. Dahil sa fans ni Marian, walang ka-effort-effort na umingay uli ang name ni Vivian.

Talagang nakahanda ang fans ni Marian na ipagtanggol siya sa lahat ng mga isyu na ipinupukol sa kanya.

Kris nagpapa-kontrobersiyal

Hindi kuntento ang mga vaklush sa sagot ni Kris Aquino nang tanungin ito tungkol sa mga tsismis na nag-uugnay sa kanyang kapatid na si P-Noy sa stylist na si Liz Uy. Ang feeling ng mga baklita, nagpapakontrobersiyal si Kris dahil imbes na sumagot ng diretsong yes or no, nag-dialogue siya ng “Liz is very much single and so is my brother. Ako, parang ang gusto ko lang, maging happy sila. Kung pinapaligaya man nila ang isa’t isa, sana magpatuloy ‘yon—’yun lang.”

Sanay si Liz na ma-link sa mga sikat na personalidad dahil ex-girlfriend siya ni John Lloyd Cruz. From John Lloyd to P-Noy? Hindi na masama debah? Isang karangalan para sa babae na i-link siya sa pinaka-powerful na mhin sa Pilipinas.

vuukle comment

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

ANTONIO MARGARITO

DAHIL

ELMA MUROS

PACQUIAO

SIYA

THELMA

WILL FERRELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with