^

PSN Showbiz

Aktres luka-luka, hindi maalala ang mga sinasabi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tuloy na tuloy na ang pagtatambal nina Heart Evan­gelista at Dennis Trillo na minsan nang nabulilyaso dahil sila ang magkapareha sa fantasy series ng GMA 7 na Dwarfina.

Next week naka-schedule ang first day taping kung matatapos ang costumes and sometime in November ang airing. Kundi kami nagkakamali, ang Dwarfina ang papalit sa Ilumina.

Kasama sa cast ng Dwarfina si Mark Bautista at ang bagong lipat sa Channel 7 na si Will De­vaughn at ang Survivor castaway na si Mico Ay­tona. Narito rin sina Janice de Belen, Pauleen Luna at ang anak ni Robin Padilla at si Congress­woman Lani Mercado.   

* * *

Sa presscon lang ng 20th anniversary concert niyang Akin Ang Tronong ‘To sa November 19 na gagawin sa Araneta Coliseum nabalitaan ni AiAi delas Alas na nagkasakit si Kris Aquino at break na sina President Noynoy Aquino at Shalani Soledad.

Hindi pala siya nakakapagbasa ng newspapers at ‘di naka­kapanood ng TV dahil panay-panay ang shooting ng Tanging Ina, kaya nagulat sa mga nabalitaan.

Sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez at Lea Salonga ang mga reynang guests ni AiAi at kinakausap pa ng producer ng concert na Am­bientmedia ang mga haring guests.

Sa birong tanong ng press kung bakit wala siyang starlet na guest, ang mataray, pero pabirong sagot nito’y dahil may mga trono lang ang kinuha niya.

* * *

Back-to-back next week ang afternoon soap ng dalawang aktres na minsan nang nag­karoon ng conflict dahil umas­tang sikat na sikat ang isa sa kanila noong magka­sama sila sa isang soap na hindi naman sila ang tala­gang mga bida, kundi pare­hong support.

 Hindi makakalimutan ni Actress A at ng kan­yang manager ang dialogue ni Actress B na kaya nag-rate ang soap ay dahil sa kanya. Kaya mula noon, iniwasan na nina Actress A at manager nito na makasama si Actress B, kahit sa guesting, ayaw nila itong makasabay at baka sabihin na namang siya lang ang rason kung bakit pinanood ang show.

Kilala naming luka-luka si Actress B at magu­gulat pa ito ‘pag tinanong sa isyu dahil kahit nagpahayag ng ganun, tiyak na nakalimutan nang may dialogue siyang ganun.

* * *

Nadadalas sa TV5 si Keempee de Leon dahil after Lady Dada, kasama uli siya sa My Driver Sweet Lover sa role ni Von, ang gay fash­ion de­signer na friend ni Gabrielle (Danita Pa­ner). Walang exclusive contract sa GMA 7 ang actor at Full House pa ang last series sa Kapuso Net­work at nagpaalam siya na magtatrabaho muna sa TV5 at pinayagan naman.

Ipinauna na rin ni Keempee na kung magka­karo­on ng noontime show ang TV5 at kunin siya, hindi niya tatanggapin dahil hindi niya iiwan ang Eat Bulaga.

Sa nabanggit na show daw matagal nagta­trabaho ang ama niyang si Joey de Leon at talent fee nito sa show ang bumuhay sa kanila. Saka res­peto na rin kay Mr. Tony Tuviera, kaya hindi niya iiwan ang show.

vuukle comment

ACTRESS A

ACTRESS B

AKIN ANG TRONONG

ARANETA COLISEUM

DAHIL

DWARFINA

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with