^

PSN Showbiz

Show ni Janice nang-aagaw ng audience

RATED A - Aster Amoyo -

Mukhang nabuhay na naman ang samaan ng loob at tampuhan ng (dating) magbiyenang Pilita Corrales at Lotlot de Leon na may kinalaman uma­no sa tinuran ng Asia’s Queen of Song sa isang panayam na ibinigay na ni Lotlot ang cus­tody ng kanyang mga anak sa ex-husband niyang si Monching (Ramon Christopher).

Matagal nang may gap ang magbiyenan na nagsimula nang magkahiwalay sina Lotlot at Mon­ching at nag-krus lamang muli ang landas ng dala­wa nang sila’y magkita sa burol ng beteranong ac­tor na si Charlie Davao, kamakailan lamang.

Nilapitan at binati ni Lotlot ang (dating) biyenan.

*    *    *

Natutuwa kami sa pagiging agresibo ngayon ng TV5 sa kanilang programming dahil mas mara­ming choices ang free TV televiewers bukod sa ABS-CBN at GMA 7.

Ang isa pang TV network na may captive au­dience ay ang Net25 kung saan may respective prog­rams sina Janice de Belen (Spoon) at si Gladys Reyes (Moments).

Nang minsan kaming mapasyal sa studio ng Net25, nalula kami sa kanilang mga TV equip­ments and facilities laluna nang mag-remote taping ang Spoon ni Janice sa TOKI Japanese restaurant sa Bonifacio Global City na mapapanood ngayong linggo sa ganap na alas-6:30 ng gabi. 

Walang gaanong commercials loads ang mga programa ng Net25 pero kaya nilang maka-survive at napapanood na rin sila sa ibang bansa including Japan.

*    *    *

Next to Kim Chiu at Ge­rald Anderson, sina Erich Gonzales, at Enchong Dee naman ang sinugalan ng Star Cinema bilang lead stars ng launching movie nilang I Do na showing na sa mga sine­han.

Bago nabigyan ng break sa pelikula, niluto muna ang loveteam nila Erich at En­chong sa telebisyon.

*    *    *

Maisalba kaya nina Rico J. Puno, Rey Va­lera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga ang hindi uma­ngat-angat na Pili­pinas Win na Win nga­yong wala na rin sa programa ang contro­ver­sial host na si Kris Aquino na sumunod sa dalawa pang hosts, ang mag-asawa na ngayon na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez?

Ang nakakalungkot lang, Salve A., si Kris ang ka­dalasang umaalis sa programa kapag gusto niyang kumalas, but this time, siya ang inalis at pina­­litan ng mga veteran singers-performers. Ibig bang sabihin na unti-unti nang humihina ang kinang ng mga bituin ni Kris bilang TV host? Hindi naman siguro.

Samantala, sina Rico J., Rey at Marco ay pare-parehong mga alaga ng dati kong boss na si Norma Japitana na naging controversial din dahil sa pagkalas sa kanyang poder ng dati niyang alagang si Cesar Montano nang ito’y lumipat sa bakuran ng Kapuso network.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CESAR MONTANO

CHARLIE DAVAO

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

GLADYS REYES

LOTLOT

RICO J

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with