^

PSN Showbiz

Toni gustong maging close kay John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Matagal-tagal ding nawala ang multi-media star na si Toni Gonzaga sa bansa dahil nagkaroon siya ng series of shows sa US. Ngayong nakabalik na si Toni ay kabi-kabila na naman ang kanyang showbiz commitments.

Bukod sa kanyang regular TV shows na The Buzz at ASAP XV ay mayroon pang ginagawang movie under Star Cinema ang dalaga. Isang romantic-comedy film na si John Lloyd Cruz ang leading man ni Toni.

This is the very first movie team-up nina John Lloyd and Toni. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala ang una na ang box-office actor na ang kanyang leading man.

“Actually, pangalan pa lang ni John Lloyd ay ’di na ako naniniwala talaga. Hindi sumagi sa isip ko na makaka-trabaho ko siya. Nakakatakot, nakakanerbiyos pero mostly ay mas nakaka-excite. It’s an honor and privilege dahil isa ako sa humahanga sa kanya pagdating sa husay at galing niya at dedikasyon niya sa trabaho. Masarap makatrabaho ang isang tao na you share the same passion,” nakangiting pahayag ni Toni.

Sobrang excited ni Toni sa movie project na ito dahil mabibigyan daw sila ni John Lloyd ng chance na mas maging close sa isa’t isa.

“I’m sure in the coming days, I’m looking forward to a new friendship with him, hopefully sa paggawa ng pelikulang ito ay mas makilala ko pa siyang mabuti as a real person,” say ng singer-TV host-actress.

Sigurado akong aabangan ng nanay ang bagong pelikula nila dahil masugid itong tagahanga ni Toni.

Sam pUro papuri kay Sarah

Magsisimula na sa Sept. 6 ang pinaka­bagong musical-tele­serye ng ABS-CBN sa Primetime Bida, ang Idol.

Bagong kombi­nasyon din ang mga artista sa seryeng ito, sina Sarah Geronimo, Coco Martin, at Sam Milby.

Ngayon lang nagkasama sina Sam at Sarah sa isang tele­serye kaya napabilib ng husto si Sam sa galing ng Pop Princess.

“Magaling siya talaga, may mga times na kapag production numbers niya sa ASAP ay nanonood talaga ako sa gilid, grabe ang galing niya,” paghanga ni Sam.

Bukod sa talent ay napahanga rin si Sam sa dedikasyon ni Sarah sa trabaho. “She’s still bata pero dahil sa mga tungkulin niya bilang biggest name ngayon, a lot of people look up to her, role model siya, ’yung tungkulin niya sa pamilya niya, everyone knows sa showbiz you mature a lot faster. Siya ay dedicated sa work niya, iyon lang ang life niya, trabaho lang,” seryosong sabi pa ni Sam.

Reports From JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BUKOD

COCO MARTIN

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD AND TONI

JOHN LLOYD CRUZ

NIYA

POP PRINCESS

PRIMETIME BIDA

REPORTS FROM

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with