^

PSN Showbiz

Acting ni Dingdong taob kay Dennis

- Veronica R. Samio -

Wala namang nakitang malaking pagkakaiba si Carla Abellana sa paggawa niya ng una niyang pelikula at sa paglabas niya sa telebisyon maliban sa pangyayaring mas mabilis gawin itong una pero mas mahirap dahil mas maraming shots. Kung hin­di man siya gaanong nahirapan ito ay sa dahi­lang ginabayan siya ni direk Joel Lamangan.

Ginagampanan niya sa pelikulang Mamarazzi, ang 50th anniversary presentation ng Regal Films, ang role ni Mimi, pamangkin ni John Lapus na isang aspiring actress. Lahat ng kilos niya ay exaggerated, parang laging umaakting.

Dalawa ang kapareha niya sa movie, sina JC Tiuseco, ang boyfriend niya na nakipag-break sa kanya at si AJ Perez na tinu-tutor niya. Bagaman at isang komedi ang pelikula, 99% ng mga eksena niya ay umiiyak siya.

Sa halip na malungkot dahil maghihiwalay na sila ng assignment ng sinasabing boyfriend niya na si Geoff Eigenman, excited si Carla.

“Loveteams come and go. Hindi ako affected dito dahil bago pa lamang kami naging loveteam ni Geoff ay accepted ko nang maghihiwalay din kami. Okay naman kaming dalawa, we will both be working. Next in line for me is Coffee Prince with Dennis Trillo.

“No, hindi pa kami ni Geoff, hindi ko pa siya sinasagot. Wala naman siyang kailangang gawin para sagutin ko siya agad dahil ayaw ko pang mag­ka-boyfriend but he is boyfriend material. Totoo siyang tao, honest. He can be sexier if he can look more right. Kailangan niya ng abs, Dennis is into sports,” sabi ni Carla who grew up reading books, not watching television. “Hindi kami ma-TV,” dagdag pa niya.

Ang Mamarazzi na nagtatampok ng isang all star cast na pina­mu­munuan ni Eugene Domingo bilang isang single mother who has to raise her children AJ Perez and Andi Eugeman single han­dedly, Diether Ocampo, and many more is due to open on August 25 pero bago ito, magkakaroon ito ng premiere night sa August 22 sa SM Megamall.

*    *    *

Walang ka-effort effort at siguro ay wala ring intensiyon pero na­na­nakawan ni Dennis Trillo ng mo­ment sa End­less Love si Ding­dong Dan­tes. Mas nag­mamarka ang role ni Dennis bilang Andrew kesa sa role bilang Johnny ni Dingdong.

Kung magpapatuloy ito, baka pu­mayag na ang manonood ng serye na kay Andrew na mapunta si Jenny (Ma­rian Rivera) sa halip na kay John­ny. I think Dingdong should put more effort sa kan­yang pagganap bilang Johnny. Sa kanya may gusto si Jenny, pero bakit parang mas in love si Andrew sa dalaga kesa siya?

Dennis is playing Andrew to the hilt and Dingdong should watch out, kung hindi makakain siya ng buo ni Dennis na dapat ay kon­tra­bida nila ni Jenny pero nahaha­tak ang mga manonood sa kan­yang side dahil sa kanyang kahu­sa­yang umarte at sa kanyang ka­guwa­puhan.

*    *    *

Aba at napakasuwerte naman nitong si Bianca Manalo, isang beauty queen na sumusubok mag-artista. Kasama siya sa mata­gumpay na seryeng Magkaribal. 

Bida siya ngayong gabi sa episode ng Maalaala Mo Kaya na kung saan makakasama niya sina Rayver Cruz at Coney Reyes.

“Nagulat nga ako. Akala ko kasi when I was infor­med na lalabas ako ng MMK, magiging one of the sup­port lang ako. Yun pala, malaki ang role ko, bida. After reading the script, nagpraktis na akong umiyak. Ayaw ko namang mapahiya kung magiging cause of delay ako dahil hindi ko kayang gampanan yung role na ibinigay nila sa akin.

 “Kay Miss Coney ako medyo nag-alala dahil ma­rami kaming eksena together eh alam ko, ang galing-galing niya. Wala akong problema kay Rayver dahil ma­dali kaming naging comfortable sa isa’t isa. We found a common topic to talk about, dancing. Pareho ka­ming mahilig sumayaw,” sabi ng ba­gong artista na ma­susubok ang galing sa pag-arte ngayong gabi sa MMK.

vuukle comment

ANG MAMARAZZI

BIANCA MANALO

CARLA

DAHIL

DENNIS TRILLO

NIYA

SHY

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with