^

PSN Showbiz

Jinkee nagdiwang nang ikasal si Krista

- Veronica R. Samio -

Simula August 16, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, magsisimula na ang Martha Cecilia’s Kris­tine, isang kuwento ng pag-ibig na namagitan sa mga miyembro ng dalawang pamilyang dala­wang dekada ng magkalaban, ang mga Fortalejo at De Silva. Iti­na­tampok sina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, at Denise Laurel.

Ang Kristine ang pinakamahabang novela na nai­sulat ni Martha Cecilia, may tag-uri ngayong Ro­man­ce Diva dahil lahat ng novela niya ay mas pina­ngi­ngi­babaw ang romance at ayaw ng tragic en­ding, mas naniniwala siya sa forever after.

Ito rin ay isang best seller sa Previous Hearts. Ang Kristine pa lamang ay nailagay na sa 53 na libro at nadaragdagan pa. Hindi ito pangalan ng isa sa mga karakter sa nobela kundi pangalan ito ng lugar.

Maraming sexy scenes ang matatagpuan sa mga libro ng Kristine kaya nga hindi pinapayagan ng Ro­man­ce Diva na basahin ito ng kanyang mga anak pero dahil maaga itong ma­­papanood sa TV kung kaya ginawang implied ng direktor ang mga nasabing ek­sena. ‘Di tulad ng unang ginawang te­le­novela ni Kris­­tine na Eva Fonda, hin­di focused ang Kristine sa sexy scenes kundi sa istorya ng pag-ibig invol­ving the four major characters na gi­na­gampanan nina Cris­tine, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell at Denise Laurel.

Balak ni Direk Rory na ilebel ito sa isa pang ma­tagumpay na serye na dinirek niya for two years, ang Pangako Sa’Yo starring Jericho Rosales and Kristine Hermosa.

Pero tulad ni Cristine, ayaw pa-pressure ni Direk, pero naniniwala sila na maabot nila ang level ng Pangako…

* * *

Focused sa kanyang trabaho bilang kongre­sis­­­­ta si Manny Pacquiao. Una sa mga proyekto nito ang pagpapagawa ng ospital at pag-aangat ng kalidad ng edukasyon ng kanyang mga ka­ba­bayan.

Happy siya na may asawa na si Krista Ranillo at maski na raw ang asawa niyang si Jinkee shares in Krista’s happiness.

O baka naman sa pagpapakasal nito ay nawala na ang threat sa marriage nila ni Cong. Manny? Wha­tever Kris­ta’s reason for marrying, everyone hopes that it will put to rest yung matagal nang isyu.

* * *

Sobra ba ka-old fashioned ang ama ni Jennica Garcia na isa ring dating artista? Jigo Garcia, her father ay balitang nag-aalala sa mga roles na tina­tanggap ng anak niya. Ayaw nito ng mga kiss­ing scenes pero at this modern age, isa na lamang or­dinaryong eksena sa anumang pelikula o TV show ang mga halikan.

Kaya siguro dapat na siyang matutong tang­gapin na ito ay bahagi ng trabaho ng kanyang anak na hindi na rin naman menor de edad, lalo’t nag-iisip na rin siyang (Jigo) balikan ang kanyang dating gawain, ang pag-aartista.

Ang maganda sa relasyon ng mag-amang Jigo at Jennica ay napaka-close nila. Kung iisipin na ma­laki na si Jennica, nasa high school na siya, nang mag­­kakilala silang mag-ama pero hindi ito naging hadlang para hindi sila magkalapit ng husto.

Dapat bigyan din ng papuri si Jean Garcia dahil pinahintulutan nitong magkalapit ang mag-ama.

vuukle comment

ANG KRISTINE

CRISTINE REYES

DE SILVA

DENISE LAUREL

KRISTINE

MARTHA CECILIA

RAFAEL ROSELL

SHY

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with