^

PSN Showbiz

Showbiz couple ginagawang motel ang home studio nila

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pinapahulaan ng GMA 7 ang castaways ng Sur­vivor Philippines : Celebrity Edition at bilib kami sa viewers dahil kilala na halos lahat ang castaways kahit sa August 30 pa ang premiere. Bawal sa press na pangalanan ang castaways, pero nasa Internet na ang names nila.

Interesting ang line-up ng castaway at ang iba sa kanila’y may mga personal issue gaya ng Hot Mama na hindi alam na kasali rin ang ex-BF at ang present GF nito. Ang clue sa kanilang identity, si Hot Mama ay Fil-Am ang karelasyon ngayon, ang ex-BF ay year­ly rumarampa sa Bench at ang present GF ay may kapatid na artista.

Kasama rin sa castaway ang ex-BF ng isang sikat na Kapuso aktres na GF ngayon ng isa ring sikat na actor na talent din ng Channel 7, kaya malaki ang posibilidad na magkita-kita ang tatlo.

Kilala na rin kung sino ang TV journalist na kasama at dagdag na clue ay isa siya sa dalawang hosts ng environmental show ng Channel 7.

* * *

Tinatanong ni Heart Evangelista ang followers niya sa Twitter kung magpapagupit ba siya o hindi? Sa ginawang ito ng aktres, nakum­pirma pang lalo na break na sila ni Isabela Vice Mayor Ian Dy dahil may kasabihang ‘pag may proble­ma sa lovelife ang mga babae, ang buhok ang napagdidiskitahan.

Sabagay, hindi itinago ni Heart sa press na nakausap niya sa set ng Langit Sa Piling Mo ang estado nila ni Mr. Dy, pero cool off lang ang unang sinabi, later on, pinost sa Face­book account niya na “single” na ang status niya.

Samantala, parang bumilib pa si Heart kay Rhian Ramos sa pag-aming may conflict sina Heart at Bianca King. Tinanong na namin ang ibang kasama nina Heart at Bianca sa Glam Girls gaya nina Lovi Poe at Carla Abellana at pa­re­hong nag-deny na may away ang dalawa. Si Rhian ang tanging umamin at sabi tuloy ni Heart, ayaw nitong magsinungaling. 

Bukas may Party Pili­pi­nas na naman at kung kum­pleto ang Glam Girls, pansinin ninyong hindi pinagtatabi sina Heart at Bianca. Hindi rin sila sabay sa rehearsal para hindi na maulit ang tapakan issue. Matindi ang pahayag ni Heart sa isyung ito na kung siya ang mang-aapak, titi­yakin niyang super high heel ang suot niya. Ouch! 

* * *

Pati kami tinanong ng followers ni Claudine Bar­retto sa Twitter kung sino ang kaaway nito sa series of tweets na parang pinost. Galit si Claudine sa ‘di pinangalanang kaaway dahil sinisiraan daw siya, ang husband niya at pati mga anak ay idinadamay.

Ang maganda kay Claudine, nang payuhan ng manager niyang si Shirley Kuan na tigilan ang pagti-tweet dahil negative ang dating sa mga nakabasa at hindi makakatulong sa promo ng In Your Eyes, sumunod, nag-text ng “I will obey” kay SK at tumigil sa pagti-tweet.

Tama naman si SK na palipasin munang maipalabas sa August 18 ang movie nila nina Anne Curtis at Richard Gutierrez at saka niya harapin ang nang-aaway sa kanya.

Incidentally, abangan sa Party Pilipinas sa August 15 dahil may duet sina Claudine at Richard ng theme song ng kanilang movie. 

* * *

Parehong nagsinungaling ang showbiz couple na ito sa sagot na nasa ligawan stage pa lang sila nang tanungin sa kanilang relasyon. O baka sobrang bilis manligaw ng actor dahil after one week na sabihing nanliligaw palang siya sa actress, ang tsika, sleeping partners na sila.

Ang tsismis, sa mismong place of work, sa TV station kung saan sila may show na natutulog ang dalawa at kundi sila aware, pinagtsitsismisan sila ng mga nagtatrabaho sa istasyon.

Wala raw makapagsabi sa showbiz couple na mali ang kanilang ginagawa, pero wish ng mga tao sa kanilang paligid, kumuha na lang sila ng condo unit malapit sa place of work nila o mag-hotel sila para less ang tsismis.

vuukle comment

ANNE CURTIS

CLAUDINE

GLAM GIRLS

HEART

HOT MAMA

LEFT

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with