^

PSN Showbiz

Itinatagu-tago ng lahat, GMA talent ibinuking ang location ng Survivor Philippines

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Siguradong mamememohan ang GMA 7 talent na ito dahil na-tweet ang pag-alis niya at pagsunod sa location kung saan ginagawa ang Survivor Philippines (Celebrity Edition). Hindi man diret­song binanggit ng talent kung saan siya pupunta, may nabanggit siya na kung matalas ang naka­basa ng tweet niya, malalaman kung saan nagsu-shoot ang reality show.

Sobrang careful pa naman ng GMA Network na hindi malaman ang location ng Survivor Philip­pines habang hindi pa oras. Pati nga castaways, puro haka-haka pa lang kung sino ang kasama, basta hindi na lang sila napapanood sa telebisyon.

* * *

Tuwang-tuwang na-tweet ni Carmina Villar­roel ang bago niyang morning show sa GMA 7 na may pamagat na Love Ko si Mister, Love Ko si Misis to be directed by Louie Ignacio. Ang mas ikinatuwa ni Carmina, ang mister niyang si Zoren Legaspi ang co-host niya sa show.

Sa August na ang pilot airing ng show at dahil ’di namin maisip kung saan ilalagay ng istasyon ang morning show, ang feeling namin, ito ang ipapalit sa Diz Iz It! Feeling lang naman, puwede kaming magkamali. 

* * *

Hindi siguro alam ni Direk Wenn Deramas na nag-spoiler siya sa ending ng Hating Kapatid nang mabanggit na ikakasal ang karakter nina Sarah Geronimo at Luis Manzano. Natuwa si direk dahil first time pumayag ni Sarah na ikasal sa pelikula, kaya ’di niya napigilang ibalita.

Ibang Sarah at Judy Ann Santos ang mapa­panood sa pelikula at mabilis na nakukunan ang kanilang mga eksena dahil parehong may flair sa comedy ang dalawa. Hindi naging problema ang continuity dahil hindi masyadong lumaki ang tiyan ni Judy Ann at maganda ang naisip para itago ang tiyan nito.

Sa July 21 na ang showing ng pelikula at kasu­nod nito, sa mala-Glee na series sa ABS-CBN na mapapanood si Sarah together with Sam Milby.

* * *

Nababalita nang si Mark Anthony Fernandez ang makakapareha ni Claudine Barretto sa final epi­so­de ng Claudine. Alam na ito pareho nina Claudine at Mark at mukhang okay na sa kanila, basta maganda ang story.

Nang makita namin si Raymart Santiago sa taping ng Pilyang Kerubin, tinanong namin kung okay sa kanya ang pag­tatambal nina Claudine at Mark. Sagot ni Ray­mart, hindi isyu sa kan­ya ito dahil mag­ta­tra­baho lang ang da­lawa at pare-pa­reho silang mga artista at kung ano ang dumating na project at kung wala namang masasagasaan ay puwede.

Natutuwa pala si Raymart sa role niyang pulis sa Pilyang Kerubin dahil third time na niyang gumanap na pulis. Enjoy siya dahil involved siya sa love triangle kina Angelika dela Cruz at Ina Feleo na parehong maganda at magaling na artista.

* * *

Kaya pala walang kapaguran si Mark Herras sa pagtatrabaho dahil dream nitong makapagpatayo ng mansion. Alam ng aktor na milyun-milyon ang kakailanganin niya para matupad ang inaambisyong mansion, ’di siya magmamadali at magtatrabaho lang ng husto. Malaking tulong sa kanyang pag-iipon ang talent fee sa Langit sa Piling Mo.

vuukle comment

ALAM

CARMINA VILLAR

CLAUDINE

DAHIL

KUNG

LOVE KO

PILYANG KERUBIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with