Sumagot, 'Hindi ako binooo' - Korina
Sinagot ni Mrs. Korina Sanchez-Roxas ang issue na lumabas sa PSN na na-boo siya sa Araneta Coliseum habang nanonood ng concert ng Tears For Fears nang i-flash siya sa big screen na naka-Laban sign.
“Issue of propriety na ito. Ugali ko na ang pinag-uusapan dito. Walang nakarinig ng boo. We didn’t hear it. Mar (Roxas) was there, he didn’t hear it,” unang sagot niya tungkol sa issue na unang lumabas sa Twitter right after the concert ng Tears For Fears last Sunday night.
Anong reaction ni vice presidentiable Mar sa issue? “Pinagtatawanan lang niya. Kasi hindi naman niya talaga narinig,” kuwento ni Korina sa ipinatawag na maliit na presscon kahapon para sagutin nga ang nasabing intriga.
Hindi kasi sila magkasamang dumating ni Sen. Mar sa Araneta dahil galing siya ng rally that particular day at nang dumating siya, 30 sila sa grupo na nakasuot ng blue shirt, ang ginagamit ng grupo ng kanyang asawa sa kampanya.
“Ganito, exactly like this,” sabay turo sa suot niyang T-shirt.
Kuwento pa niya, wala silang alam na may nakatutok sa kanilang camera dahil nga nagkakatuwaan sila sa pagsayaw. “Ini-enjoy namin ang concert, nagsasayawan kami,” pagdi-demonstrate ni Korina habang naka-L ang dalawang kamay na para sa kanya ay ginamit lang niyang expression.
Pagdidiin pa niya, “Pinalalabas kasi nilang ginamit ko ang venue sa kampanya, of course not. Hindi ako ganun. Hindi ako doon nangangampanya. “Parati na akong nasa palengke, ako na nga si Mrs. Palengke.”
Kaya paano pa raw siya mangangampanya sa nasabing concert na ang intention lang naman ng grupo nila ay mag-enjoy?
Lumabas sa kumalat na issue na binooo si Korina ng buong Araneta ng umaapaw na tao, as in umabot sa 16,000 ang capacity ng Big Dome na hindi ko ini-expect na sikat pa pala sa ating bansa ang ’80s duo na Tears For Fears.
Pagtataka pa ni Korina: “Paano nila narinig ’yun samantalang ang ingay ng buong Araneta?”
Anyway, tapos nang mag-ikot si Mrs. Roxas. Radio interviews na lang siya at hihintayin na lang ang resulta ng May 10 election.
At kung papalarin ang asawa na consistent No. 1 sa survey, babalik siya sa ABS-CBN pero hindi na sa News and Current Affairs.
“Meron kaming pinag-uusapang public service show sa DZMM daily, at entertainment show,” kuwento niya.
At sa pag-iikot niya pala ng Pilipinas, mahigit one million pairs of slippers na ang naipamigay na project niya bago pa man siya mag-asawa.
Teka, nagkaroon din pala ng issue na tamad mangampanya si Mrs. Roxas na sadya pala.
“Kayang-kaya naman ni Mar,” sagot ni Korina.
Besides, hindi pa nawawala ang anghang sa kanyang dila kapag katotohanan na ang pinag-uusapan.
“Kaya nga sabi ko, huwag na rin akong magsasama sa kanya. Hindi ako sanay na pangiti-ngiti lang at walang komento. Baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Ako na lang ang umiiwas,” pag-amin niya.
Actually, nang makita ko siya kahapon, morena na ang dating matapang na komentarista.
“Nakapunta na ako sa halos 80 bayan sa buong Pilipinas. Ang init talaga. Sino kaya ang nag-imbento ng kainitan na panahon ang panahon ng kampanya at eleksiyon? Dapat yata Nobyembre ang eleksiyon,” pagbibiro nito kaya siya nangitim.
- Latest




















