^

PSN Showbiz

Jean naghubad kahit walang bayad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa susunod na presscon ng You To Me Are Eve­ry­thing na namin tatanungin si Dingdong Dantes sa butt exposure niya sa pelikulang sa May 5 na ang final opening day. Hindi ipinakita sa trailer ang butt ex­posure ng aktor, kaya saka na na­min sasabihin kung anong eksena.

Bukod kina Marian Rivera at Dingdong, may im­portant role rin ang pet pig na pinangalanang si Sno­wy. Tsika sa amin, dalawang baboy na magkapareho ang binili sa Bulacan para in case hindi maka-sur­vive sa shooting ang isa’y may kapalit agad, pero ma­tatag si Snowy dahil tinapos ang pelikula.

Pero bakit wala siya sa billing?

Matutuwa ang fans nina Marian at Dingdong sa tanong ng press kung gaano ka-importante ang title ng movie nila sa personal life nila?

Ang sagot ni Dingdong ay “Parang equation ‘yan, plus you and me equals everything,” pero mas ma­ganda ang sagot ni Marian na “Siya ang lahat para sa akin.”

Inamin din ng dalawa na hindi nila kayang malayo sa isa’t isa at nahirapan sila nang mag­kalayo ng seven days. “It was really difficult not to see her for seven days,” amin ni Dingdong at mabilis na nag-agree si Marian.

* * *

Dalawang oras inabot ang sketching session ni Jean Garcia na ginawa sa RAVE Art Gallery ng manager niyang si Manny Valera last Saturday. Ang participating artists ay sina Al Perez, Remy Bo­­quiren, Jun Martinez, Armida Francisco, Fer­nando Sena, at Mike Austria.

Ang artists ang nag-request ng Filipiniana concept sa sketching session to promote our own arts and culture. Walang talent fee si Jean, pero dalawa sa six paintings ang ibinigay sa kanya at na­pili niya ang paintings nina Al at Armida.

Sabi raw ni Jean, ibebenta niya sa suitors niya ang apat na paintings dahil tiyak na bibilhin. 

Ibig sabihin, kung sino ang bibili ng paintings ng aktres ay manliligaw niya? Pero talo siya ni Jen­nica Garcia na may lovelife na uli’t - BF daw nito si Alwyn Uy­tingco na sabi ni Jean ay ‘di niya alam at ang anak na lang daw ang tanungin.

Ang RAVE Art Gallery ay nasa 5 Scout Mag­banua St., near corner Roces Ave. Quezon City. Bukas ito, Monday to Saturday, 2-7pm., at sa nga­yon ay may 90 paintings na pagpipilian.

* * *

Magkikita sina Ra­chelle Ann Go at Kean Cip­riano ng Cal­lalily band sa gaga­naping 40th Earth Day Celebration na tata­waging One Earth, One Journey: An Earth Day Concert na ga­­ga­win sa SMX Con­vention Center sa April 16 dahil pareho silang performer.

Sayang at wala sa line-up ng guest si Arci Muñoz, ang ex-GF ni Kean na inakalang kaya siya bri­neyk ay dahil kay Rachelle. Ang ganda sana kung magkita-kita ang tatlo, pero malaki ang tsansang mag­kita sina Rachelle at Arci dahil pareho na silang Ka­puso.

Si Richard Gutierrez ang host ng Earth Day celebration at performers sina Kyla, Mark Bautista, Cooky Chua, Gloc 9, Noel Cabangon, Julianne, Julie Ann San Jose, at Buboy Villar. Join din ang mga bandang Pupil, Hale, Sponge­cola, Nyko Maca, Playground, at Freestyle. Ang telecast nito’y sa April 18, sa SNBO slot ng GMA7.

* * *

Sa Panday Kids, makikipagkaibigan si Charlie (Sabrina Man) kay Ragu dahil nakitang ka­la­hating kambing ito at gaya niya, may sungay din.

Ikukuwento naman ni Andreas (Ryan Eigen­mann) sa mga kasama ang ma­pait niyang ka­ranasan nang umibig siya sa isang mortal, dahilan kung bakit naging masama siya.

vuukle comment

AL PEREZ

ALWYN UY

AN EARTH DAY CONCERT

ANN GO

ARCI MU

ARMIDA FRANCISCO

ART GALLERY

BUBOY VILLAR

COOKY CHUA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with